"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Iglesia Katolika. Show all posts
Showing posts with label Iglesia Katolika. Show all posts

December 18, 2012

Ang Iglesia Katolika daw ang nag iisang Iglesia ni Cristo

Nais ko munang icongratulate si Mr. Catholicdefender2000 dahil sa wakas, after a year ay sinubukan niyang sagutin ang aking post tungkol sa mali mali nyang pag intindi uko sa small and capital letters ng "Iglesia ni Cristo".

Kaso, kelangan ba talaga abutin ng isang TAON bago mag try sumagot? hahaha

Tunghayan po natin ang hindi direktong pagsagot ni Mr. Catholicdefender2000 sa aking post na "iglesia ni cristo o Iglesia ni Cristo" sa kaniyang laos na tactic, ang pagququote ng pasugo statements na kaniyang binaluktot at binaboy ang pagiinterpret ng mensahe. (Red=my response)


Malaking kagalakan ang mababasa natin sa mga comments na mababasa sa post ni README kaanib ng Iglesia ni Manalo sa pagsabing MALI raw at KONTRA ang aking post sa "iglesia o Iglesia".
Umpisa pa lang ng post niya nagsisinungaling na, bakit kaya napakadaming sinungaling na mga depensor Katoliko? Di ba sila pwedeng magdepensa ng puro katotohanan ang sinasabi? Bakit kaya nila sinisira ang kanilang sira ng kredibilidad? Mahirap ba sabihin ang katotohanan na ang aking Iglesiang kinabibilangan at obvious na obvious naman sa title ng aking blog, ay ang Iglesia ni Cristo? 
Ngayon Mr. Catholicdefender2000 na duwag sige nga patunayan mong may nag eexist na ang pangalan ng Iglesia ay IGLESIA NI MANALO, lilipat ako sa Iglesia mo.

Challenge ko sayo yan ha. Gusto ko papakita mo may nakarehistro sa SEC ang pangalan IGLESIA NI MANALO. Game! Pag wala, ibig sabihin duwag kang talaga, dahil lang wala ka ng maipang atake sa INC, sinugal mo na ang kaluluwa mo kay Satanas kaya ayan at kung ano ano ang pinagsasasabi mo. Sana maawa ang ating Panginoong Diyos sa mga kasinungalingan mo. Naaawa ako sayo.

Ayon sa may-ari ng blog na READMEInc, ang tunay daw na Iglesia ay ang "Iglesia ni Cristo". 
Maka-100% agree po tayo diyan.  Wala pong duda na ang tunay na Iglesia ay ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO pero ito ay hindi ang KATUNOG na itinatag ni Felix Manalo sa Punta Santa Ana Maynila.
Ang tinutukoy na NAG-IISANG IGLESIA ay ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO sa JERUSALEM!
Yan ah, inamin mo na ahh, wag mong babawiin!^^ 
Salamat naman at ngayon ay pinangangalandakan mo na na ang tunay na Iglesiang tinatag ni Kristo ay walang iba kundi ang "Iglesia ni Cristo"! Bistado ka na may ebidensya pa. 

100% Agree din po kami diyan, dati pa noong 1914 pa, na ang Iglesiang itinatag ni Kristo, uulitin ko, ay ang IGLESIA NI CRISTO. At napakaswerte namin dahil kaanib kami dito, dahil ang founder namin ay si Kristo, wala akong nalalamang pangyayari na may tinatag na Iglesia si Ka Felix Manalo sa Punta Sta. Ana, dahil ayon sa FACTS na alam ko, si Ka Felix Manalo ay nangaral ukol sa Iglesia ni Cristo katulad ng ginawang pangangaral ng mga Apostol. Nagsimulang mangaral si Ka Felix sa Punta Sta. Ana ayon sa FACTS, at hindi sya dun pumunta para magtatag ng Iglesia niya.
Ang iglesiang founded sa Sta. Ana na sa TAGALOG lamang nasusulat ay PEKE.  Samantalang ang itinatag ni Cristo sa Jerusalem ay hindi napapasailalim sa isang wika lamang at hindi rehistrado sa ilalim ng pamunuan ng kahit anong gobyerno ng tao.
Tama, hindi naman talaga nairehistro ni Kristo ang Iglesia niya dahil hindi pa naman uso noon ang pagpaparehistro ng Iglesia sa gobyerno. Hindi rin naman sa TAGALOG tinawag ang Iglesia niya dahil ang lenggwahe noong panahon ni Kristo ay ARAMAIC LANGUAGE, kaya ang pangalan ng Iglesia niya dati ay nababasa at nasusulat nang:  
   
"Εκκλησία του Χριστού/ EKKLESIATOUCHRISTOU"

Originally in all capital letters, no spaces, no punctuation, and etc.
Kapag trinanslate mo naman sa tagalog: IGLESIA NI CRISTO, sa english: CHURCH OF CHRIST, malaki ata ang problema sa buhay ni Mr. Catholicdefender2000 kaya para sa kaniya pag trinaslate sa ibang lenggwahe nagiiba ng meaning o kung ano man sa tingin niyang nag iiba...^^

Lalong lalo namang hindi ONE HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH dahil kelan lang naimbento ang title na yan, at yan kahit saang bible versions at translations WALA!^^
At upang malaman natin kung alin nga ba ang TUNAY  IGLESIA na binabanggit sa Roma 16:16, ating hanguhin ngayon ang kanilang OFFICIAL magazine upang magpatotoo rito.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
At HINDI ang itinayo ni Manalo sa Pilipinas!
Kung tuus-tuusin ay wala na tayong dapat pang linawin pa dahil inilahad na pong sinabi OFFICIALLY ng INC ni Manalo na ang kanilang Iglesia ay HUWAD o PEKE sapagkat kailan laman sila "nagsisibangon ngayon."
Ang Iglesiang itinayo ni Kristo ay ang Iglesia ni Cristo wala namang contradiction sa paniniwala namin at sa nakalagay sa Pasugo. Saktong sakto nga yan sa yo, DI KA BA TINAMAAN MR. CATHOLICDEFENDER2000? Ang sabi nga daw kung mayroong magsisibangon at sasabihing SILA MAN AY IGLESIA NI CRISTO RIN, itoy mga hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi HUWAD LAMANG.

Title pa lang ng post mo oh:  Iglesia Katolika: Ang nag-iisang Iglesia ni Cristo 

Dati rati pinapanindigan mo na ang tunay na Iglesia at pangalan ng Iglesiang tinatag ni Kristo ay walang iba kundi Catholic Church o Iglesia katolika, ngayon naman KINIKLAIM MO na ang Iglesia Katolika mo ay ang Iglesia ni Cristo, gumawa ka pa ng blog na ang title IGLESIA NI CRISTO samantalang tungkol sa Iglesia Katolika ang mga post doon. 

SINO NGAYON ANG SINASABI NG PASUGO NA "at sasabihing silay IGLESIA NI CRISTO RIN, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." di ka ba tinamaan Mr. CD2000?^^

 Sa mga salin na Biblia na kanilang pinagkukunan ng quote sa Roma 16:16, wala ni isa sa kanila ang nakalagay na "Iglesia" (Church) kundi "iglesia" (churches).  Iba naman kapag ito'y sinipi nila at ipalathala sa magasing Pasugo.
Ang maliit na titik ay ginagawa nilang malaking titik upang lalabas na ito ay PROPER NOUN.
Sa kanilang pagko-collect ng mga salin ng Biblia, tanging sa CATHOLIC EDITION (Tagalog) lamang nila masusumpungan ang mga katagang "mga Iglesia ni Cristo" (malaking titik) at sa buong akala nila ay SILA ang tinutukoy ng Santa Iglesia roon.
Hindi nila alintana na ang kanilang pinagsasaya ay hugot mula sa CATHOLIC EDITION ng Biblia na lalong nagpapatingkad sa mga nakasaad sa OFFICIAL MAGAZINE na PASUGO.
Alam mo kasi Mr. CD2000, wala naman kasing ISSUE samin kung sa capital o small letters nakasulat ang pangalang IGLESIA NI CRISTO sa Roma 16:16 dahil ORIGINALLY naman talaga nakasulat ito in CAPITAL LETTERS dahil ito ay in Koine Greek, kelan na lang naimbento ang small letters sa koine greek, kaya ang nagpapalaki ng issue kahit wala ay IKAW.

At yun na nga ang point, sa bibliya ko mismo yan ah, CATHOLIC EDITION na mismo na bibliya nakasulat "Iglesia ni C/Kristo" at hindi "iglesia ni C/Kristo" pahiya ka lang Mr. CD2000 dahil akala mo walang bibliya sa buong mundo ang nakasulat non na Capital letter ang umpisa. hahaha
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
    “Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
PASUGO Mayo 1954, p. 9:
    “Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
Ayon ulit kay G. ReadmeInc,
Another thing, the phrase "churches of Christ" is not the name of the church that was established by Christ, it only denotes that Christ's church has congregations in other parts of the world. Because in the time the church was preached by the apostles, there are congregations or churches in other countries. For example, there is also a church in U.S.A, Europe, China, Philippines and Indonesia that's why it is said to be "churches of Christ", but the church that was established by Christ is not many, but only ONE that's why it should also be singular, "Church of Christ" or "Iglesia ni Cristo".
Ang iglesia raw ay IISA sapagkat IISA lamang daw ang itinatag ni Cristo kaya't marapat lamang daw na "Iglesia" ito at hindi "iglesia".  
As usual nakita nyo naman kinowt na naman ng WALANG KASAWAAN ang Pasugo at binaboy ang interpretation para palabasing SINISIRAAN ng PASUGO ang katuruan ng Iglesia ni Cristo, katawa naman. hahaha

Saka please lang Mr. CD2000, wala akong sinasabing "Ang Iglesia ay iisa dahil isa lang ang itinatag ni Kristo kaya dapat lang na "Iglesia" at hindi "iglesia"" Grabe ka naman magtranslate ng english to Filipino, akala ko ako lang ang medyo mahina sa english, mas mahina ka pa pala sakin simpleng simple ang sabi ko:

"but the church that was established by Christ is not many, but only ONE that's why it should also be singular, "Church of Christ" or "Iglesia ni Cristo"

"Pero ang Iglesia na itinayo ni Kristo ay hindi marami kundi IISA lang kaya dapat na ito ay singular, 'Church of Christ' o 'Iglesia ni Cristo'"

Sana ang sinabi mo na lang eh "kaya marapat lamang daw na "Iglesia" at hindi "mga iglesia""
Gets mo ba? kulang ka kasi ng "MGA" sa sentence mo, kahit malayo ang translation mo sa sinabi ko dahil magkaiba ang mensahe noon. O balak mo talagang maliin ang translation para MALIIN AKO??
Iyan din ang ITINUTURO ng Santa Iglesia mula pa noong ito'y ITINATAG sa JERUSALEM.  Na may IISANG IGLESIA at lahat ng mga nagpapanggap na "Iglesia" rin ay pawang mga PEKE o HUWAD lamang ayon sa magasing Pasugo.
Tama. Agree ako sayo. Yan din ang nakasulat sa bibliya, na IISA lang ang Iglesiang itinatag ni Kristo, hindi ito nahati sa dalawa WEST AND EAST o kaya naman ay may ka communion na ibang Iglesia ngunit magkakaiba naman ang paniniwala at tradisyon. Lalong lalo na hindi MALAYO ang mga doktrina sa mga aral ng mga apostol, ni Kristo at ng ating Panginoong Diyos. Anumang Iglesia na may mga doktrinang di galing sa bibliya, at nagcclaim na sila daw ang TUNAY NA IGLESIA dahil sa mahabang kasaysayan nito, ay PAWANG PEKE AT HUWAD!
Sa mga pangungusap ng kaanib ng INC ni Manalo na si Readme, at ng kanilang PASUGO, at ang CATHOLIC EDITION ng Roma 16:16 lalabas na ang NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO noon pang panahon ni Apostol San Pablo (na siyang sumulat ng Sulat sa mga taga-Roma) ay ang IGLESIA KATOLIKA lamang sapagkat tanging ito lamang sa maraming nag-aangking mga "iglesia" rin ang may kasaysayang nagmula pa noong UNANG SIGLO.
Sa katunayan ay tumatawid na po ito sa IKATLONG SIGLO samantalang ang "Iglesia ni Cristo" na KOPYA lamang ni Manalo ay papunta pa lamang sa SENTENARYO ngayong 2014 Anno Domini.
Patawad Mr. CD2000 at mali na naman ang iyong pagintindi sa mga bagay bagay, ang pinapatunayan ko, ng PASUGO at ng CATHOLIC EDITION na bibliya sa Roma 16:16 ay ang Iglesia na tinatag ni Kristo ay walang iba kundi ang "IGLESIA NI CRISTO". Ang Iglesia Katolika kailanman ay hindi maaaring maging IGLESIA NI CRISTO dahil sa mali mali at imbentong mga doktrina na labag at hindi naman itinuro sa bibliya. At ang katunayan:

200 AD Immersion of infants who are dying, but considered sinless. (Tertullian V.12)
250 AD North Africa region is first to practice infant baptism and reduced the age of baptism from minors to all newborns. This is opposed by other regions.
257 AD Baptism by sprinkling for adults instead of immersion first used as an exception for those on sick beds, but it caused great dispute.
300 AD Prayers for the dead
320 AD Special dress code of the clergy in worship
325 AD At the general council of Nice, 325, it was proposed indeed, probably by the Western bishop Hosius, to forbid entirely the marriage of priests; but the motion met with strong opposition, and was rejected.
325 AD The date for Easter was set.
379 AD Praying to Mary & Saints. (prayers of Ephraim Syrus)
385 AD In the West, the first prohibition of clerical marriage, which laid claim to universal ecclesiastical authority, proceeded in 385 from the Roman church in the form of a decretal letter of the bishop Siricius to Himerius, bishop of Tarragona in Spain.
389 AD Mariolatry begins with Gregory Nazianzen, who mentions in a eulogy, how Justina had besought the virgin Mary to protect her virginity.
400 AD Impossibility of apostasy or once saved always saved, (Augustine XII.9)
416 AD Infant baptism by immersion commanded of all infants (Council Of Mela, Austin was the principal director)
430 AD Exhalation of Virgin Mary: "Mother of God" first applied by the Council of Ephesus
502 AD Special dress code of the Clergy all the time.
500 AD The "Habit" of Nuns (Black gowns with white tunics)
519 AD Lent
526 AD Extreme Unction
593 AD The Doctrine of Purgatory popularized from the Apocrypha by Gregory the Great
600 AD First use of Latin in worship (Gregory I)
Beginning of the Orthodox/Roman Catholic church as we know it today in its present organization.
607 AD Click to View First Pope: Boniface III is the first person to take the title of "universal Bishop" by decree of Emperor Phocas.
608 AD Pope Boniface IV. turns the Pantheon in Rome into a temple of Mary ad martyres: the pagan Olympus into a Christian heaven of gods.
670 AD Instrumental music: first organ by Pope Vitalian
709 AD Kissing of Pope Constantine's feet
753 AD Baptism by sprinkling for those on sick beds officially accepted.
787 AD Worship of icons and statue approved (2nd council of Nicea)
787 AD Rome (Latin) and Constantinople (Greek) part ways and begin the drift towards complete split, resulting in two denominations emerging in 1054 AD.
965 AD Baptism of bells instituted by Pope John XIII
850 AD Burning of Holy Candles
995 AD Canonization of dead saints, first by Pope John XV
998 AD Good Friday: fish only and the eating-red meat forbidden
1009 AD Holy water
1022 AD Penance
1054 AD Roman Catholic church breaks away from the Orthodox church
1054 AD Roman Catholics officially embrace instrumental music, Orthodox reject instrumental music down to the present time.
1079 AD Celibacy enforced for priests, bishops, presbyters (Pope Gregory VII)
1090 AD Rosary beads: invented by Peter the Hermit
1095 AD Instrumental music
1190 AD Sale of Indulgences or "tickets to sin" (punishment of sin removed)
1215 AD Transubstantiation by Pope Innocent III, Fourth Lateran Council
1215 AD Auricular Confession of sins to priests instituted by Pope Innocent III, (Lateran Council)
1215 AD Mass a Sacrifice of Christ
1217 AD Adoration and Elevation of Host: ie. communion bread (Pope Honrius III)
1230 AD Ringing bells at Mass
1251 AD The Scapular, the brown cloak worn by monks invented by Simon Stock
1268 AD Priestly power of absolution
1311 AD Baptism by sprinkling accepted as the universal standard instead of immersion for all, not just the sick. (Council of Ravenna)
1414 AD Laity no longer offered Lord's cup at communion (Council of Constance)
1439 AD Purgatory a dogma by the Council of Florence (see 593 AD)
1439 AD Doctrine of Seven Sacraments affirmed
1480 AD The Inquisition (of Spain)
1495 AD Papal control of marriage rights
1534 AD Order of Jesuits founded by Loyola
1545 AD Man-made tradition of church made equal to Bible (Council of Trent)
1545 AD Apocryphal books added to Bible (Council of Trent)
1546 AD Justification by human works of merit
1546 AD Mass universally said in Latin (see 600 AD)
1547 AD Confirmation
1560 AD Personal opinions of Pope Pius IV imposed as the official creed
1864 AD Syllabus Errorum [Syllabus of Errors] proclaimed that "Catholic countries" could not tolerate other religions, (no freedom of religion), conscience, separation of church and State condemned, asserted the Pope's temporal authority over all civil rulers (Ratified by Pope Pius IX and Vatican Council) condemned
1870 AD Infallibility of Pope (Vatican council)
1908 AD All Catholics should be christened into the church
1930 AD Public Schools condemned by Pope Pius XII (see 1864 AD)
1950 AD Sinners prayer, invented by Billy Sunday and made popular by Billy Graham. (Some Catholics now use this)
1950 AD Assumption of the body of the Virgin Mary into heaven shortly after her death. (Pope Pius XII)
1954 AD Immaculate conception of Mary proclaimed by Pope Pius XII
1995 AD The use of girls in the traditional alter boy duties
1996 AD Catholics can believe in Evolution (Pope John Paul II)

source: bible.ca

 Ang Iglesia ni Cristo ay magdiriwang na ng ika 100 anibersaryo sa 2014 bilang paggunita sa pagkakatatag nito sa Pilipinas ayon sa propesiya ng banal na kasulatan dahil sa pagkakaapostatized o pagkakatalikod ng Iglesia ni Cristo noong unang siglo na kalaunay TINAWAG na Iglesia Katolika.

Tunay nga na TANGING ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito rin ang paglalahad ng OFFICIAL MAGAZINE ng INC ni Manalo:
PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Grabe, di ko talaga kinakaya ang lebel ng utak ni Mr. CD2000 sa pag intindi, napakaliwanag kasi, englishin ko pa "The Catholic Church IN THE BEGINNING is the Church of Christ" Ibig sabihin, ang Iglesia ni Cristo na tinatag ni Kristo ay naging Catholic Church, at dahil natalikod ito hindi na ito ang IGLESIANG KAY KRISTO o ang IGLESIA NI CRISTO.
At bago pa man nila muling sasabihin na NATALIKOD na GANAP ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo, abah, magsuri sila sapagkat hindi ito ang ITINUTURO ng INC ni Manalo.
Ayon sa magasing PASUGO hango mula sa aklat na pinamagatang "ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914"  ang IGLESIA ay HINDI NATALIKOD.  Ito'y UMIIRAL pa hanggang sa KASALUKUYANkaya't lalong tumitibay ang unang sinabi ng PASUGO na HUWAG o PEKE lamang ang mga "nagsisibangon ngayon" na may kapangalang "Iglesia ni Cristo."
PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Itong mga sinasabi nilang ito ay maraming nailigaw na landas ng Kabanalan. Dahil dito ay inilalahad ko ang mga katibayang magpapawalang saysaysa sinasabi nilang ito at nasusulat din sa kanilang Pasugo gaya nitong mga sumusunod:

(a). PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

Idaragdag natin dito ang talata 29, bilang susog sa talatang 28 na ginagamit nila, at ganito ang karugtong:

(29) Ang aking Ama (wika niJesus), na sa kanila ay nagbigay sa akin ay lalong dakila kaysa lahat; at hindi sila maaagaw ninuman sa kamay ng Ama." Ito bang nasusulat na ito sa kanilang PASUGO ay mabubura pa nila? Gayon din itong garantiyang sinasabi ni Jesus hinggil [sa] mga magiging tauhan niya? At higit pa bang paniniwalaan natin itong mga maling aral!

At bilang kalakip nito ay sisikapin pa natin ang isang banggit na nasusulat sa PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

O ano pa ang ating puntong liliwanagin? Tinatanggap na nilang nananatiling matibay sa aral ng Dios ang mga Apostol ang unang Iglesia ni Cristo. At pagkatapos ay iyan daw ang kanilang pamarisan o dapat gawin. E, gayon pala; bakit sinasabi nilang "ganap na nawala sa ibabaw ng lupa ang mga dating tagasunod ni Jesus, inagaw at nilipol ng mga bulaang propeta." Huwag ninyong gawing sinungaling si Jesus. Malinaw ang kanyang sinabing garantiya na mababasa sa Juan 10:28-29, at inyong ginamit din.

At bago tayo magwakas ay kukuha pa tayo ng isang punto na may kaugnayan din dito.

(b). PASUGO Agosto 1971, p.22:
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa
lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”

Ang ibig nilang palitawin dito, ay noong 1914, ay nawala na ang itinayo ni Cristo. Bueno, tingnan natin ang bagay na ito, sapagkat may isang banggit na nasusulat sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Oh diba, dyan kilala si Mr. CD2000, ang paggamit sa libro ng tiwalag na INC member na si Mr. Melanio Gabriel as a source. Hinanap nila ang bible verses kung saan nagsasabi DIUMANO na hindi natalikod o NALIPOL ang Iglesia noong unang siglo sa ibat ibang PASUGO ISSUES upang PALITAWIN na contradicting ang aral ng INC samantalang kung mapapansin natin sa kinowt nila, mga VERSES lang sa bible at walang PALIWANAG, inshort PUTOL/BITIN/KULANG ang kanilang pagkakakowt at sila nalang ang NAG INTERPRET o nagbigay ng sariling kahulugan upang patunayan ang gusto nilang patunayan. Ang galing ng tactic nila ano po?^^

Sa isang matinong tao, kayang intindihin ang mga kinowt sa Pasugo, di naman kailangang maging matalino, ang kailangan, OPEN MINDED. Hindi nako nagtataka kung bakit hindi ito maintindihan at magets ni Mr. CD2000^^

Ngayon, ang mga nakasulat ba sa CATHOLIC EDITION ng Bible ay LABAN sa Iglesia Katolika?  Hindi po.  Sinasabi lamang namin na KAMI ang binabanggit doon sa Roma 16:16 at hindi ang INC ni Manalo sa Pinas.  
Naku yan ang pagbabakultot sa katotohanan, dahil kahit kailan di naman sinabi sa Roma 16:16 na "binabati kayo ng mga Iglesia Katolika" tignan pa natin sa ibat ibang bible versions and translations:

 New International Version (©1984)
Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ send greetings. 
New Living Translation (©2007)
Greet each other in Christian love. All the churches of Christ send you their greetings.
English Standard Version (©2001)
Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you.
New American Standard Bible (©1995)
Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you.
King James Bible (Cambridge Ed.)
Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.
International Standard Version (©2008)
Greet one another with a holy kiss. All the churches of the Messiah greet you.
Aramaic Bible in Plain English (©2010)
Invoke the peace of one another with a holy kiss. All the churches of The Messiah invoke your peace.
GOD'S WORD® Translation (©1995)
Greet each other with a holy kiss. All the churches of Christ greet you.
King James 2000 Bible (©2003)
Greet one another with a holy kiss. The churches of Christ greet you.
American King James Version
Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.
American Standard Version
Salute one another with a holy kiss. All the churches of Christ salute you.
Douay-Rheims Bible
Salute one another with an holy kiss. All the churches of Christ salute you.
Darby Bible Translation
Salute one another with a holy kiss. All the assemblies of Christ salute you.
English Revised Version
Salute one another with a holy kiss. All the churches of Christ salute you.
Webster's Bible Translation
Salute one another with a holy kiss. The churches of Christ salute you.
Weymouth New Testament
Salute one another with a holy kiss. All the Churches of Christ send greetings to you.
World English Bible
Greet one another with a holy kiss. The assemblies of Christ greet you.
Young's Literal Translation
salute one another in a holy kiss; the assemblies of Christ do salute you.
source: bible.cc

Ano okay na ba Mr. CD2000? Ay oo meron ata, dun sa ADULTERATED BIBLE ni Mr. Talibong nakasulat ang buong pangalan ng Iglesia Katolika sa Matthew 16:18. hahaha

Pinatutunayan lamang ng CATHOLIC EDITION nyo na meron ako, na MALI ang iyong PANINIWALA na sa Roma 16:16 ang pangalang "IGLESIA NI CRISTO" ay nakasulat in SMALL LETTERS sa lahat ng bible versions at translations. Yun yon, at hindi upang patunayan na ang Iglesia ni Cristo ay ang Iglesia Katolika dahil lalabas na kinocontradict mo ang sarili mong paniniwala!

Oh, wag mong kakalimutan ang challenge ko sayo Mr. CD2000, patunayan mong may nag eexist na iglesiang nagngangalang IGLESIA NI MANALO, patunayan mo ring may nakarehisto sa SEC na ganyan. HIHINTAYIN KO!^^ 
bawal palusot ahh...

At bago ko tapusin to, gusto ko lang ibalita sa inyo na dati pa inamin na ni Mr. Catholicdefender2000 na ang tunay na Iglesiang itinayo ni Kristo ay ang Iglesia ni Cristo at sinabi pa niyang ang Iglesia Katolika ay MALING IGLESIA:

Eto at diniscribe pa niya ang MALING Iglesiang iyon (siya nagsabi noon hindi ako^^):

"This False Church is present in all the 6 continents for the past 2 millennium composing of 1.1 BILLION people, 1/6 of World's total population, from different language, race, and cultures but UNITED under the leadership of the Successor of St. Peter the Apostle, the False Church of Rome."

"The False Church also is being recognized by all countries and has established diplomatic ties with major states and cities around the world. The leader of this False Church, the Pope is always welcomed with honor in every country he visits..."

"There are parishes of the False Church in any place in the World. In the Middle East, only the False Church is being recognized by Muslim Kingdoms..."

"The False Church has old church buildings which were built century years ago while the "True Church of Christ" has recent modern houses of worships built in uniformity. How is that?"

"The False Church names its structures and buildings to CHRISTIAN HEROES..."

July 24, 2012

Pagkakaiba ng ginagawa ng mga INC at Katoliko sa imahen at rebulto


Nakakatuwa at para bagang gustong palabasin ng mga katoliko na "kinakain namin ang sarili naming suka" dahil sa ang doktrina ng INC na makikita sa banal na kasulatan ay ganito:
"Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. " Exodus 20:4-5 (ABMBB)

Tapos, gumawa naman daw ng rebulto ni Ka Felix Manalo ang INC samantalang laging binabatikos ng Iglesia ang mga imahen/rebulto sa Iglesia Katolika. May pagkakaiba nga ba ang PAGGAMIT ng INC sa mga larawan/rebulto sa INC at sa mga larawan/rebulto sa Iglesia Katolika? Meron ba o wala o parehas lang sila ng PAGGAMIT SA MGA ITO?

Ito ang sagot: NAPAKALAKI NG PAGKAKAIBA NG "USAGE" ng sa INC at ng sa Iglesia Katolika, hindi lang isa o dalawa, kundi MARAMI, ANO ANO BA ITO?

Pero bago yan, ibibigay ko muna ang pagkakatulad ng GAMIT ng mga larawan/rebulto sa INC, sa Iglesia Katolika at ang mga pangkaraniwan at pampublikong larawan/rebulto katulad ng rebulto ni Dr. Jose Rizal:

- Upang ALALAHANIN ang tao sa larawan/rebulto.
- Upang bigyang PAGKILALA ang tao sa larawan/rebuto sa kanyang mga nagawa at kontribusyon.


PAGKAKAIBA:

- Hindi namin NILULUHURAN ang mga larawan/rebuto.
- Hindi namin DINADALANGINAN ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin ginagawang TAGAPAMAGITAN SA AMA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin PINAGTITIRIK ng KANDILA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin HINAHALIKAN at HINIHIPO habang nagdadasal o kaya naman sabay magsisign of the cross sa mga larawan/rebulto.
- Hindi namin iniisip na ito ay NAKAKAGAWA NG MGA HIMALA at mga extraordinaryong mga bagay.
-Hindi namin ito pinupunasan ng twalya o bimpo o panyo at ipunas sa parte ng katawan namin na may sakit upang GUMALING.
- Hindi namin ito PINAGPUPRUSISYON.
- Hindi namin inaalayan ng mga pagkain at kung anu-ano. (puwera bulaklak)
- Hindi kami nag aalay ng isang araw upang gawing PIYESTA at ipaghanda ang larawan/rebulto.
- Hindi kami bumibili ng larawan/rebulto ni Ka Felix sa mga tindahan upang ipandisplay habang nakalagay sa sariling ALTAR.
- at pinaka importante sa lahat, HINDI NAMIN ITO GINAGAWANG PARANG DYOS (pinaglilingkuran at sinasamba DIRECTLY OR INDIRECTLY).

Masyado bang kaunti ang mga pagkakaiba ng mga imahen/rebulto sa INC sa imahen/rebulto sa Iglesia Katolika? ANG KONTI BA???^^

Maraming bible verse ang makakapagpatunay na IPINAGBABAWAL ngang talaga ng ating Panginoong Diyos ang paggawa ng imahen/larawan. Ngunit hindi lang basta basta ganun, kundi yung gagawin mong PARANG DYOS, hindi man ituring na DYOS MISMO, kundi PINAPARANG DYOS.

Wala naman masama kung tutuusin ang PAGGAMIT ng mga ito ng Iglesia Katolika, dahil tulad ng sa Katesismo nila na sinasabing ito (daw) ay para lamang GUNITAIN o ALALAHANIN at bigyang PAGKILALA ang mga santo upang maging halimbawa sa mga tao, ang kaso, dinagdagan nila ng ibat ibang "practice" sa loob ng simbahan nila kung kaya itoy naging masama.

Sana wag naman masyado nagagalit samin ang mga Katoliko, kung magbabasa man kami sa BIBLIYA ng mga verses na nagsasabing BAWAL nga ang ginagawa nyo, CONCERN lang naman kami dahil ayaw namin kayoy mapahamak, hindi po ito PAGPAPAPOGI o PAGPAPAHIYA sa inyong paniniwala, may kaniya kaniya tayong paniniwala, ang kaso hindi lahat ng paniniwala ay TAMA at sukat IKALIGTAS, kabaligtaran pa nga dahil sa halip na kaligtasan ang inyong tamuhin ay KAPAHAMAKAN PA. Pero kahit ganoon nga, may kalayaan tayo sa paniniwala, kung napagpasyahan nyo sa sarili nyo na kahit narinig nyo na ang mga KAUTUSAN sa bibliya ay gusto nyo pa rin ituloy ang paniniwala at tradisyon nyo wala na po kaming magagawa, ang kaligtasan is a matter of CHOICE, sabi nga sa bibliya:

"Today I have given you the choice between life and death, between blessings and curses. Now I call on heaven and earth to witness the choice you make. Oh, that you would choose life, so that you and your descendants might live! Deu. 30:19

At sana rin po ay wag kayong masyadong magalit kung binabatikos man namin ang inyong paniniwala ukol sa imahen/rebulto sa mga simbahan sa Iglesia Katolika, kasi kung tutuusin, kung titignan natin ang history, hindi naman kami ANG NAUNA dyan, kundi mismong Emperador ng Byzantine Empire, kung saan nagkaroon ng Iconoclastic period noon pang 730-787 A.D kung saan inalis at pinagtatanggal ang mga imahen/rebulto at striktong pinagbawal ang "veneration and worship of saints" na ginagawa ng mga katoliko ngayon.

Ito ang description at nakalagay mismo sa monumento ni Ka Felix Manalo na makikita sa Central Complex na ngayon ay tinatawag ng "FYM MEMORIAL": "Ang Kahalalan ng Sugo ay LAGI NATING ALALAHANIN, ngunit ang LARAWAN AT SYA ay HUWANG SASAMBAHIN."

Oh ayan, malinaw na, hindi pala ginawa ang rebulto ni Ka Felix upang SAMBAHIN, hindi katulad ng mga imahen/rebulto ng mga santo at ni Kristo(daw) na PINAPARANG DIYOS nila.

July 23, 2012

Nakakatawang depensa tungkol sa pagpupunas ng mga imahen sa Iglesia Katolika


Grabe ang tawa ko ng mabasa ko ang pagtatanggol ng isang pari, opo, PARI ng Roman Catholic Church ngunit hindi lang basta pari, kundi Catholic apologist din, pero hindi lang basta Catholic Apologist kundi CFD National Spiritual Director, itoy tungkol sa pagpupunas ng mga Katoliko sa mga imahen ng santo at ni Kristo(daw) sa mga prosisyon at sa kanilang simbahan.

Eto po ang nakakatawa nyang paliwanag (red, emphasis mine):

Anonymous said...



Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo.... bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale.... tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader?? bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun?? Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun????

nga pala....

katoliko ko,,, pero,, prang aanib ako sa Born Again... konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko... pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...







Fr. Abe, CRS said...



[Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo...]



IMPRESSION MO LANG YAN KASI NALASON NA ANG MGA BORN AGAIN ANG ISIP MO. PERO ANG TUTUO HINDI GINAGAWANG DIOS NG MGA CATOLICO ANG MGA SANTO.



[bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale...]



PINAPALIWANAG YAN. MALINAW YAN SA MGA CATOLICO. YUNG MGA HINDI ALAM YAN SIGURO E HINDI NAKINIG NG ITINUTURO SA CATECHISM O SA LOOB NG SIMBAHAN. SUBALIT MALINAW ANG TURO NA HINDI DIOS ANG MGA SANTO.



[tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader??]



SIEMPRE NILILINISAN ANG MGA IMAHEN. ANG IMAHEN NI RIZAL SA LUNETA AY NILILINISAN AT MAY GUARDIA PA AT MAY MGA FRESH FLOWERS. ANG STATUE NI MICHAEL JORDAN SA LABAS NG UNITED CENTER SA CHICAGO AY NILILINISAN AT PINUPUNASAN DIN PARA LAGING MALINIS. PANONG NAGING MASAMA ANG PAGPUNAS SA MGA LARAWAN. KAHIT NA ANG MGA LARAWAN NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY AY NILILINISAN PARA HINDI MASIRA.



[bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun??]



SINONG NAGSABE NA MALI YON. PAG HINDI PINUNASAN ANG MGA LARAWAN E DI MAGIGING MADUMI SA ALIKABOK.



[Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun???]



HINDE. SINONG BALIW ANG NAGSABI SA YO NA PAG PINUNASAN E PAGSAMBA? KUNG IKAW BA PUNASAN NG NANAY MO O NG KASINTAHAN MO ANG IYONG MUKHA IBIG SABIHIN BA NON SINASAMBA KA? YON AY TANDA NG PAGMAMAHAL AT PAGLILINIS SA ISANG MAHALAGANG BAGAY.

KAYA NGA PINUPUNASAN E KASI ALAM NG MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS YON. KASI ANG DIOS HINDI MAPUPUNASAN. KAYA PINUPUNASAN KASI ALAM NATING MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS ANG MGA LARAWAN NG SANTO.



[nga pala.... katoliko ko,,,]



SALAMAT NAMAN.



[pero,, prang aanib ako sa Born Again...]



WAG, WAG KANG AANIB SA MGA BAGONG IMBENTONG RELIHIYON NA IYAN. LIKHA NG DIABLO ANG MGA GRUPO NA YAN. HINDI YAN GALING KAY CRISTO AT SA MGA APOSTLES. YAN AY PRODUCTO NG MGA HERETICO NA TULAD NI LUTHER AT CALVIN.



[konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko...]



MARAMING PAGKAKAIBA. MARAMI SILANG INIMBENTONG ARAL NA WALA SA BIBLIA.



[pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...]



PAREHO NGA ANG DIOS SUBALIT GUMAYA LANG SILA SA ATIN KAYA PAREHO. ISA PA MAGKAIBA ANG IGLESIA KASI SILA BAGONG IMBENTO LANG HINDI TUNAY NA GALING KAY CRISTO. WAG MONG SALIHAN ANG RELIHIYONG GAWA NG TAO.

source: thesplendorofthechurch.blogspot.com

Yan po pala ang explanation ng Iglesia Katolika tungkol sa pagpupunas ng kanilang pinakamamahal na mga rebulto/imahen ng mga santo at ni Kristo(daw), ay dahil daw MARUMI, kaya KAILANGANG PUNASAN.

"Napaka intelihente", at "napaka sensible" naman masyado ang pagpapaliwanag ni "Father" na CFD National Spiritual Director, o sige na nga, tanggapin na natin ang kanyang paliwanag, na kaya pala pumipila ang milyon milyong katoliko lalo na pag pista ng itim na Nazareno, na ang iba ay namamatay at nagkakasakitan dahil sa tulakan kapag prosisyon, ay para lang pala linisin ang imahen ni Kristo(daw), eto:




Akala ko pa naman ay naggigitgitan at nagsasakripisyo sila para sa MILAGRO ng Itim na nazareno, yun pala para sa MILAGRO ng "alikabok at dumi" ng itim na Nazareno. Ito pala ang pinupunasan nila at pag dumikit na sa kanilang mga twalya, ipapahid sa bahagi ng katawan na may sakit at sila ay gagaling. Wow, miraculous GERMS!

Naniniwala pa sila na milagro ang mga ito, pero ito ang sinasabi ng bibliya:

"They put it on their shoulders and carry it. They set it in its place, and there it stands; it cannot move from its place. People may yell at it, but it cannot answer. It cannot save them from their troubles." Isaiah 46:7

Hindi kasi matanggap ng mga depensor Katoliko na kahit isang milyong beses pa nilang sabihing hindi nila sinasamba ang mga larawan/statwa ng santo nila at ni Kristo(daw), hindi nila maisasantabi ang katotohanang maraming katoliko ang lantaran at literal na sinasamba ang mga ito. Sila na mismo ang nagsabi na "ignorante" kasi ang mga katoliko sa sariling dokrtina, kaya ang mga may alam sa aral ng Iglesia Katolika, ang sasabihin hindi daw nila sinasamba at ginagawang dyos, pero para naman sa mga katolikong walang kaalaman sa paniniwala nila, ang ginagawa nila ay pagsamba at paglilingkod sa mga ito.

Isa sa magandang halibawa ay ang mga dating katoliko na lumipat sa ibang relihiyon partikular na sa Iglesia ni Cristo, kung totoong hindi nila sinasamba at pinaglilingkuran yung mga santo nila, BAKIT SILA UMALIS SA IGLESIA KATOLIKA? at BAKIT SILA AFFECTED?

Kung totoong hindi nga, eh bakit ang madalas nilang sabihing dahilan kaya sila lumipat ng relihiyon eh "Nalaman ko kasi sa bibliya na mali pala ang pagsamba at paglilingkod sa mga inanyuang tao na mga rebulto/statwa/imahen" ?