"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Arian. Show all posts
Showing posts with label Arian. Show all posts

December 3, 2013

Arian ba ang Iglesia ni Cristo?

Isa ito sa madalas ipang atake ng mga di kaanib sa Iglesia ni Cristo, sabi nila, Arian daw kami dahil lang naniniwala kaming HINDI DIYOS SI KRISTO.

Ganun ba yun? Nagkaroon lang ng similarity sa paniniwala ng Arianism, ARIAN AGAD? Ibig bang sabihin dahil merong similarities ang Iglesia Katolika at ang PAGAN religions ibig sabihin pwedeng pwede namin sabihing ang mga Katoliko'y PAGANO?

Ano game, ganun na lang? 

Mahilig kasi ipagpilitan eh...

Ang rason nila kung bakit ARIAN daw kami ay dahil yung paniniwala naming si Kristo'y tao ay nagmula kay ARIUS noon lamang 4th century.

Pero bago natin talakayin kung ang paniniwala bang si Kristo ay HINDI DIYOS ay kay Arius nagmula, ipapakita ko muna sa inyo ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga Arians at naming mga Iglesia ni Cristo sa paniniwala ukol kay Kristo.


Pagkakapareho:

Si Kristo ay isang creation, may beginning, hindi Diyos at hindi equal o superior sa Diyos Ama.

Pagkakaiba:

Naniniwala ang Arians na ginawa ang mundo sa pamamagitan ni Kristo kaya meron siyang pre-existence, ang Iglesia ni Cristo naman ay naniniwala na wala siyang pre-existence.


Kung Christology lang pag-uusapan, ayon na rin sa wikipedia, hindi malapit sa Arianism ang Iglesia ni Cristo kundi sa Socinianism:
The Iglesia ni Cristo is one of the largest groups that teaches a similar doctrine, though they are really closer to Socinianism, believing the Word in John 1:1 is God's plan of salvation, not Christ. So Christ did not preexist.
Other groups opposing the Trinity are not necessarily Arian.
  • Oneness Pentecostalism is a grouping of denominations and believers within the Pentecostal movement with various non-trinitarian views, usually modalist.
  • The Iglesia ni Cristo,Christadelphians, Church of God General Conference and other "Biblical Unitarians" are typically Socinian in their Christology, not Arian.
source: wikipedia

Ang pagkakapareho ng SOCINIANISM at Iglesia ni Cristo sa Christology ay parehas itong hindi naniniwala sa Trinity, hindi naniniwalang Diyos si Kristo, at hindi naniniwalang meron siyang pre-existence.

Ano ba ang ibig sabihin ng ARIAN?

Pag sinabing ikaw ay isang ARIAN ibig sabihin pinapaniwalaan mo lahat ng paniniwala ni Arius, inshort, isa ka sa kaniyang mga tagasunod.

Arian ba ang Iglesia ni Cristo?

Hindi. Dahil hindi naman namin kinikilala si Arius bilang isang espesyal na tao at hindi lahat ng kaniyang paniniwala ay pinaniniwalaan din namin. Hindi kami naniniwala na may PRE-EXISTENCE si Kristo.

Hindi ka pwedeng maging Noranian (fans ni Nora Aunor), Vilamanian (fans ni Vilma Santos) at Sharonian (fans ni Sharon Cuneta) kung meron kang pag aalinlangan o meron kang mga bagay na hindi gusto sa kaniya o hindi ka gaano interesado sa idol mo.

Ayon kay google, ang "fan" daw is "a person who has a strong interest in or admiration for a particular sport, art form, or famous person."

Paano niyo kami sasabihan na ARIAN eh wala naman kaming INTERES kay ARIUS? 

Kahit kelan wala pa kong nabasa, napanood o narinig na ipinangangaral ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo si ARIUS sa mga tao lalo na sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, kaya paano niyo kami sasabihan na ARIANS kami???


Kapag ba hindi naniwala na si Kristo ay Diyos, ARIAN agad?

Nakakapagtaka naman itong mga taong ito na mahilig mag akusa sa Iglesia ni Cristo, ganoon ba sila kasigurado na noong 4th century lang lumitaw ang paniniwalang HINDI DIYOS SI KRISTO?

Gaano sila kasigurado na WALANG MGA TAONG NANINIWALANG HINDI DIYOS SI KRISTO na nauna kay Arius?

 Ang mga hudyo ba at mga tauhan sa Old Testament simula pa kay Eba't Adan ay matatawag na ARIANS dahil hindi rin sila NANINIWALA NA DIYOS SI KRISTO?

SAGOT?

Ibig sabihin sila Moises, Abraham, Isaac, Jacob at kung sino sino pa ay mga ARIAN din?

Ano nga nga?



AYON SA NEW TESTAMENT

Naniniwala ba ang mga tauhan sa New Testament, kasama na ang mga apostol na si Kristo ay DIYOS?

Ayon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:

"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24

"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52

"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46 

"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16

"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29


"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17 
"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21 
"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49 
"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49 
"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6 
"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15 
"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18 
"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47 
"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39 
"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3 
"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16


Ayon kay Pilato:


"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29


Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5 
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4 
"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14

Ayon sa mga alagad ni Kristo:


"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27

Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:


"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4

"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15

"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21

"Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit" I Cor. 15:47

Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:


 "Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71 

 Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72 
"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74

"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18

SILA BA'Y MGA ARIANS DIN?

Hindi. Dahil ang paniniwalang si Kristo ay TAO at hindi Diyos ay ang paniniwala ng mga TUNAY NA KRISTIYANO.


Si Kristo mismo may DIYOS at ang nagpakilala sa TUNAY NA DIYOS

"Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Juan 20:17
 
"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.  Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Juan 17:1-3

Kung ipinakilala niya ang kaniyang AMA bilang IISANG TUNAY NA DIYOS, itoy pagpapatunay na HINDI SIYA DIYOS.

Kaya kung tunay kang KRISTIYANO lagi mong tatandaan ang sinabi ni Apostol Pablo:


"iisa ang Diyos, iisa rin ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao- si Kristo Jesus na tao." I Tim. 2:5

IISA DAW ANG DIYOS, hindi lang basta ISA kundi IISA at SI KRISTO DAW AY TAO.

Kaya MALING MALI na sabihan kaming ARIANS dahil lang naniniwala kami na HINDI DIYOS SI KRISTO, ang TAMANG BANSAG SAMIN AY "TRUE CHRISTIANS" dahil kaisa kami ng mga apostol at ng mga Kristiyano sa New Testament na si Kristo ay TAO. Kaisa rin kami ng ating PANGINOONG HESUKRISTO sa pagkilala sa AMA bilang IISANG TUNAY NA DIYOS!



WE ARE CHRISTIANS AND NOT ARIANS!