"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label youtube. Show all posts
Showing posts with label youtube. Show all posts

September 1, 2012

Naghahasik ng kadiliman ang mga ADD members sa internet




Nag alala agad ako nung nawala ang youtube account na "IglesianiCristo1914" na naglalaman ng mga videos na naere sa NET25 at GEMTV, source ko sya sa mga videos ng Church News lalo na pag di ko ito napapanood sa tv, kaya nagpost ako sa FB fan page ko tungkol dito.

Ang nakakasurpresa ay mga account ng ADD members ang nagpasara ng account na yun sa pamamagitan ng pagrereport ng "COPYRIGHT INFRINGEMENT".

Ano ba ang copyright Infringement?

"Copyright infringement is the unauthorized use of works under copyright, infringing the copyright holder's "exclusive rights", such as the right to reproduce or perform the copyrighted work, spread the information contained within copyrighted works, or to make derivative works. It often refers to copying "intellectual property" without written permission from the copyright holder, which is typically a publisher or other business representing or assigned by the work's creator." source: wikipedia

At kailan pa nila naging PAGMAMAY-ARI ang INC VIDEOS? Anong KARAPATAN nila mag reklamo ng tungkol sa COPYRIGHT? Ganyan na ba talaga ka DUMI ang mga PUSO ng mga ADD members? MAY PUSO nga ba sila?

Nakakatuwa lang silang pagmasdan kung paano nila ABUSUHIN at GAMITIN ang striktong batas ng youtube tungkol dito, ginagamit nila ito para ipasara ang hindi lang ang youtube account na nabanggit ngunit iniisa isa na nila ang lahat ng INC member youtube accounts na naglalaman lang naman ng mga programa ng INC.

Okay lang naman sakin kung ireport nila ang mga video kung saan tungkol ito sa kanilang leader o sa kanilang samahan na talaga nga naman KAREKLA-REKLAMO, pero kung irereport ang isang video o isang youtube account ng COPYRIGHT INFRINGEMENT na kala mo naman ay PAGMAMAY ARI nila ang mga ito, eh sukdulan na nga talaga ang kasamaan ng samahang ito...

Kung sasabihin naman ng ilan, "eh bakit ikaw nagcacampaign sa facebook na sabay sabay ireport ang mga fan pages o fb accounts na naglalaman ng anti-INC propagandas?" Atlis napaka VALID ng rason ko para ireport sila dahil KAREKLA-REKLAMO naman talaga sila dahil puro kasinungalungan at paninirang puri hindi lamang sa INC kundi pati sa mga myembro at lalo na sa mga leader ng INC. Okay lang naman kung tungkol sa aral ang ipagsasabi nila pero kung pamemersonal ay ibang usapan na...

Ito ang ilan sa mga youtube accounts ng mga kapatid na inireport nila: BoyDamonyus666, INCVictorySummit, uncleray69, vicfiles, at IglesiaNiCristo1914. Salamat sa isang kapatid na nag email sakin, buti at nalaman ko na hindi lang 1 kundi iniisa isa nga talaga nila.

Maaari kayong magtaka, bakit kaya nila ito ginagawa?

Bukod sa mga wala silang magawa sa buhay at masasama lang talaga sila at pinatutunayan nilang hindi sila tunay na sa Dyos, ay dahil sa kadahilanang upang ang mga di kaanib na magsesearch sa youtube tungkol sa INC ay mapanood ang mga anti-INC videos sa halip na pro-INC videos.





Lumilitaw ang TUNAY NILANG MGA KULAY. Akala mo ang babait sa mga programa sa UNTV channel nila at sinasabi pa na nabago daw ni "Bro. Eli" ang kanilang mga buhay, at lahat daw sila ay mabubuti wala daw masasama sa kanila di daw tulad dito sa INC.

EH ANO TO???

ANG BANGIS NYO!