Showing posts with label umanib. Show all posts
Showing posts with label umanib. Show all posts
October 8, 2013
Mga nagpapasyang umanib sa Iglesia ni Cristo
Ibat ibang uri ng tao ang natatawag sa Iglesia ni Cristo. Mula sa ibat ibang relihiyon, mula sa gobyerno, mula sa mga tribo, mula sa mga kilalang tao o pamilya, mula sa showbiz, mula sa media, mula sa mayaman o mahirap, at kahit mula sa mga kulungan. Walang pinipili sa Iglesia ni Cristo kahit ano o sino ka pa, kung gusto mong umanib, hindi ka hahadlangan.
Pinost ko to dahil marami ngayon ang umaatake sa Iglesia ni Cristo na kesyo bakit andami daw palang nakakulong na Iglesia ni Cristo, ibig daw sabihin puro KRIMINAL daw ang mga miyembro. Hindi nila alam na may mga lokal ang Iglesia ni Cristo doon at marami ang umaanib kahit sa mga ganoong klaseng lugar. Hindi sila nakulong na Iglesia ni Cristo sila kundi nasa ibang pananampalataya sila noong una at naanib lang sa Iglesia.
Meron din nagsasabi na bakit ang dami daw Iglesia ni Cristo na may hawak ng mga posisyon sa gobyerno, ibig daw sabihin eh MALAKAS DAW ang INC sa gobyerno kaya ganoon. Ang hindi nila alam, marami din sa mga ito ang NAANIB lang sa Iglesia at hindi dahil nandoon na sila sa posisyon na yon na Iglesia ni Cristo na talaga sila.
Subscribe to:
Posts (Atom)