"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Voice of the brethren. Show all posts
Showing posts with label Voice of the brethren. Show all posts

July 7, 2015

"Voice of the brethren" ni Antonio Ebanghelista, puro peke

Meron na namang artikulo si Antonio Ebanghelista, patungkol naman sa itinatayong INC MUSEUM malapit sa Central, at ginamit na naman niya ang phrase na "Voice of the brethren" para ipamukha sa mga mambabasa niya na may mga kapatid na namulat sa mga sinasabi niya kaya silay tumutulong sa pamamagitan ng pagsesend ng mga diumanoy ebidensya ng "katiwalian".

Nung mabasa ko ang post niyang ito, natawa ko at nabigla.

Bakit?

Marunong din palang tamaan si Ka A.E ng mga sinasabi ko sa blog na ito. Sa artikulo ko po kasi na "README IS SILENT NO MORE" meron akong naging hamon sa kaniya:

"Pero kung akoy nagkakamali, Ka AE, isang hamon lamang bilang BLOGGER, PANGALANAN PO NINYO ANG MGA NAG EEMAIL SA INYO WITH SCREEN SHOT tulad ng ginagawa ko. Para po maniniwala kami na yung mga supposed "VOICE OF THE BRETHREN" nyo ay mga TOTOONG TAO."
Aba, kagulat gulat naman na ang sumunod nyang VOICE OF THE BRETHREN ay with screen shot nga talaga? hahaha

July 6, 2015

THE "TRUE VOICES OF THE TRUE BRETHREN"

Ano ba talaga ang TUNAY NA BOSES ng mga TUNAY NA KAPATID? 

Ano ba talaga ang TUNAY nilang DAMDAMIN patungkol sa mga lumalaban sa pamamahala, specifically referring to TEAM A.E?

Natangay na ba ang karamihan upang maging taga suporta ng grupo ni Antonio Ebanghelista?

Porke ba nagbabasa ang mga kapatid ng kaniyang blog kung kaya proud na proud ang TEAM A.E na naka 2million+ views na sila, ang ibig sabihin iba na rin ang kanilang paninindigan?

Ako kasi nagbabasa ko PALAGI, note, PALAGI ng mga anti-INC blogs partikular na ng mga catholic defender blogs, ngunit ibig bang sabihin SINUSUPORTAHAN KO SILA? And take note also, simula ng mag blog si AE ay updated ako lagi sa pinopost nya, ngunit ang tanong, NAAKIT NIYA BA KO SA MAGAGANDA NIYANG MGA SALITA AT MAPANGHIKAYAT (non obvious-style) NA PAGSUSULAT?

Ngayon, eto po ang TUNAY na saloobin ng mga TUNAY NA KAPATID sa Iglesia ni Cristo.