Kelan ko lang napansin, alam nyo, sa matagal kong pagbabasa ng blog ni Antonio Ebanghelista ay ibang tao yung gumagawa ng tagalog posts at ibang tao rin ang gumagawa ng english posts sa kaniyang blog. (Kung matagal ka ng reader ng blog nya mapapansin mo rin ito)
At ayon po sa aking reliable sources ay talaga namang MARAMING A.E. Ibig pong sabihin, hindi lang nag iisa ang may hawak ng account na iyon, hindi lang IISA ang nagboblog doon.
Kaya naniniwala ako na yung isang A.E na nag boblog ng english posts ay ang nagmamay ari ng facebook account na "SHER LOCK". Ganito ang sabi niya:

Nung una pa lang ay matagal na rin naming nararamdaman ng mga tunay na kapatid, at ng tunay na mga ministro ang LAYUNIN NG GRUPONG ITO NI A.E, ayan na po. Gumagawa sila ng mga kwento kwento mula ng silay magsimula hanggang sa ngayon, para magkaroon ng dahilan upang mahikayat ang mga kapatid na LUMABAN SA PAMAMAHALA.
At alam nyo ba, nung nai-shutdown ang original blog ni A.E, meron na namang lumitaw na bago, and this time, ibang tao na naman ang may hawak. Hindi si A.E na gumagawa ng tagalog posts, at hindi rin si A.E na gumagawa ng english posts. Ngunit isa ang sigurado ko, isa sya sa mga kasamahan ni A.E.
TIGNAN PO NINYO, KAYO NA PO ANG HUMUSGA
Sa mga TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO, DITO PO BA TAYO MAGPAPANIWALA?
SA MGA TAONG KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA?
SA MGA TAONG GUSTO TAYONG ITALIKOD SA ATING PANANAMPALATAYA?
SA MGA TAONG GUSTO TAYONG ILAYO SA DIYOS?
Para ano?
MAGAWA NILA ANG TUNAY NILANG LAYUNIN???
LAYUNING PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA, PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
NAGSIMULA NA PO ANG PANAHON NG MATINDING PAGSUBOK SA IGLESIA, at nararamdaman ko po na mas titindi pa, kaya sa mga tunay na kapatid sa Iglesia, PANGHAWAKAN PO NATING MATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA, MANGHAWAK TAYO SA ARAL!
"Huwag ang pakinggan natin ay ang gumagawa ng mga panlilinlang at pandaraya sa layuning iligaw ang ating pananampalataya. Kapag sila ang ating pinakinggan ay lalasunin nila ang ating isipan, dadayain, ililigaw, at itatalikod tayo sa pananampalataya.
Kaya manghawak tayo sa aral."
Sipi mula sa sulat ng Kapatid na Eduardo Manalo sa buong mundo
Inihanay mula sa leksyon na ginawa ng Kapatid na Felix Manalo