"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label style. Show all posts
Showing posts with label style. Show all posts

August 8, 2012

Nakakatuwang style ng isang katoliko

http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-ash2/623977_1642847345_259361463_n.jpg

Hindi ko na sana to ipopost, pero natutuwa kasi ako sa style ng isang katolikong defender, na bigla na lang nagtanong kunwari sa isang FACEBOOK post, yun pala ay may gustong palabasin na hindi masabi sabi, at sa huli, lumalabas ang totoong kulay. Sa katotohanan, marami ring ganyang style ngmga katoliko dito sa internet, kunwari magtatanong, yun pala makikipag argumento. Eto po ang sagutan namin, na kung mapapansin nyo kahit anong mangyari ay mahinahon ako at may paggalang pa rin^^

Tips na rin to sa mga kapatid, lagi po tayong maging magalang, mahinahon, at mapagkumbaba. Kahit anong gawin nilang pang aasar sa atin, dapat cool lang tayo at wag papaapekto, hayaan nyo silang magsalita ng kung anong gusto nilang sabihin kung yun ang paniniwala nila, kasi ang realidad, kahit naman anong sagot natin sa kanila o kahit anong pilit na ipakita ang katotohanan sa kanila, hinding hindi po magbabago ang kanilang opinyon at impression sa atin.

Kaya mas maganda na, na maging mapagkumbaba na lang tayo at maging mahinahon, kasi pag napikon tayo, tayo ang TALO nun.^^ Natalo nila tayo kasi nagpaapekto tayo sa mga pang aasar nila, sa mga trick nila. Natuto nako, kasi dati ganyan din ang paraan ko nun, na para bang naaasar ako, nagagalit at iba pa, ngayon naman, mahinahon na ko makipag argumento, kasi sa huli lahat ng debate na pag naaasar ka o naiinis ay wala rin magandang kinakalabasan, walang resulta, sayang lang effort.

Eto na po ang naging pag uusap namin ni Mr. Mark Louie Cantor, obserbahan nyo po:


  • Mark Louie Castor tanong ko lang po bakit wala pong kapilya ng INC o kahit ang Central niyo po na ginawang evacuation center ng mga binaha?
  • Iglesia ni Cristo blog pag sinabi po kasing bahay sambahan, banal na lugar. hindi po palengke at hindi rin po evacuation center. sa loob mismo yung sinasabi ko pero para po sa kaalaman nyo at ng iba may mga pagkakataon na ginagamit ang compound bilang pansamantalang area para sa mga kapatid na nakaranas ng sakuna. yung ibang church po kasi ginagawang palengke at evacuation center, tambayan ng mga adik at mga masasamang loob kahit pa mga pulubi/nanghihingi ng limos at pinagshuhutingan pa ng pelikula ang loob na dapat sanay para sa dyos lang.^^
  • Mark Louie Castor parang wala naman po akong narinig na may isang compound ng INC na ginamit na evacuation center para sa mga nasalanta?
  • Iglesia ni Cristo blog para sa mga kapatid po hindi po para sa lahat ng mga nasalanta. manood po kayo ng CHURCH NEWS sa youtube okaya sa GEM/NET25, nagbibigay din ang INC ng LINGAP SA MAMAMAYAN at nagrerescue din po ang mga maytungkulin samin^^ meron don, nung pansamantala silang pinatuloy sa compound ng INC, binili ng INC agad yung likod na lote para pagtayuan ng pabahay para sa kanila sa pammagitan ng FELIX Y MANALO FOUNDATION.
  • Mark Louie Castor grabe nmn po yung mukha po atang di maganda na exclusive lang ang pagpapatuloy ninyo sa compound ninyo sa pagtulong sa kapwa kundi sa mga kaanib lng po ninyo
  • Iglesia ni Cristo blog tulad nga po ng sinabi ko hindi naman po kasi evacuation ang bahay ng dyos. Kaya ang mga kapatid na nangangailangan ang pinapatuloy pag grabe na talaga. Pag natapos na po yung Philippine Arena, at may malagim na mangyari, yun pwede pa yun gamitin na evacuation pansamantala, pero ang banal na lugar, ang bahay ng dyos kung saan nananahan ang pangalan nya ay hindi po. marami naman sigurong ginawang evacuation centers at area ang pamahalaan para dun at hindi na po sagot ng INC yun^^
  • Mark Louie Castor so ang layunin pala ng INC ay exclusive lng sa mga kaanib, pag di kaanib di na tutulungan? ganun ba yun?
  • Iglesia ni Cristo blog hindi. pero kung yun po ang gustong isipin ng mga di kaanib at pinagpipilitan na ganun nga, katulad nyo, eh wala na po kaming magagawa dyan. ang INC po ay church, hindi po ito FOUNDATION/CHARITY INSTITUTION, pero merong projects ang INC para tulungan ang nonmembers at members, ang LINGAP SA MAMAMAYAN at INC GIVING, at iba pang aktibidad tulad ng mga seminars.
  • Mark Louie Castor ano po silbi ng mga yan sa mga taong walang matuluyan? hyaan niyo na lang sa lansangan? unless kung patuluyin ninyo sa bahay ninyo?
  • Iglesia ni Cristo blog nasagot ko na po ang tanong na yan sir. bakit pinapahaba. o may gusto kayong palabasin. at mangyari?^^ hindi pa ba kayo satisfied sa sagot ko? o may hinihintay kayong isagot ko? share nyo naman! LIKE!^^
  • Mark Louie Castor wala po ako gusto palabasin naawa lang po kasi ako sa mga nasalanta, yung mga walang matuluyan
  • Iglesia ni Cristo blog sa gobyerno po kayo natin magsabi wag po dito dahil church po ito at hindi gobyerno. kung gusto nyo naman po sa ibang church nyo sabihin, yung nagcoconduct ng service para sa mga nasalanta na walang matuluyan, hindi po yung sinasabi nyo sa church na hindi naman nagcoconduct/nagoofer ng service para sa mga nasalanta na walang matuluyan^^
  • Mark Louie Castor grabe hindi po pala charitable at makakristiyano ang church ninyo....manhid sa mga nangangailangan, kung si David nga noong pumasok sa templo nakakain ng Banal na Tinapay na pinagbabawal ang pagkain nito na hindi pari, pero kayo, porke Banal ang Bahay ng Diyos ay di niyo na matulungan ang mga nangangailangan isang di makakristiyanong gawain......anong klaseng pangangaral meron kayo, pangangaral lang sa salita, pero wala sa gawa tulad ng mga Pariseo at Eskriba.......sapagkat nasusulat "Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pag-aralan ang kahulugan nito: HABAG ANG IBIG KO, AT HINDI HAIN." (mATEO 9:13)
  • Iglesia ni Cristo blog sabi ko na yan lang pala ang gusto nyong palabasin. sana 1st comment palang yan na ang sinabi nyo. nagpapakaplastik pa kanina, lam ko namang dyan din yan pupunta... hehehe tulad nga po ng sinabi ko, wala kaming magagawa kung yan ang impression nyo sa church namin, na kahit tumutulong ang INC sa iba ay sasabihin nyo pa rin na hindi CHARITABLE ang INC, nasa sa inyo na po yun. wala kaming magagawa sa nagkukunwari ay magtatanong makikipagdebate pala ang gusto.^^
  • Mark Louie Castor debate? excuse me po ang paglalahad po ng saloobin ay hindi debate
  • Mark Louie Castor saka wala po tayong pinag-uusapang doktrina dito

  • Mark Louie Castor saka ako po ay nagtatanong hindi nakikipagdebate,

  • Iglesia ni Cristo blog debate o argumento. hindi po ba tayo nag aargumento?^^ sinabi ko po na tumutulong ang INC sa iba kaso kayo naman pinipilit nyo na hindi, e d nakikipagargumento kayo^^
  • Mark Louie Castor eh kaso di sapat ang tulong na yun, kahit maibsan man lang ang kanilang paghihirap sana

  • Mark Louie Castor pasensya na kapatid, nakahanda na sana ako magpadoktrina sa isa sa mga kapilya ninyo pero sa mga sinagot mo, parang nawalan ako ng gana kasi nalaman ko ang totoo mismo mula sa iyo....kaya di ko n lang itutuloy
  • Iglesia ni Cristo blog ikaw po bahala, ang pagdodoktrina naman po samin ay walang sapilitan, tulad ng pagsunod sa pamamahala pag eleksyon, wala namang sapilitan sa mga bagay na iyan. tungkol sa tulong, e di magsuggest po kayo sa INC administration para sa request nyo, email nyo po kahit sa email add sa pasugo, hindi yung kunwari magtatanong, ang sasabihin lang pala ay hindi kami CHARITABLE at hindi MAKAKRISTYANO, tapos maglalagay ng bible verses para lumitaw na ang church nyo ang tunay na makatao, makabayan at makabasa. wow tula hehehe
  • Mark Louie Castor isang masamang pag-uugali tlga ng INC ang kayabangan
  • Mark Louie Castor ‎, panlalait at paninira sa Iglesia Katolika.......kaya nga masaya ako sa pagiging katoliko ko kasi nakikita ko kung sino ang tunay at kung sino ang hindi tunay........si Kristo kasi mahilig tumulong sa mga nangangailangan kahit sa mga di niya disipulo, ganun din ang unang Iglesia, at lahat yun nakasulat sa Biblia pero yung INC na tatag ni Ginoong Felix Manalo ni isang daliri hindi maigalaw para matulungan ang mga walang matirhan
  • Mark Louie Castor hanggang sa ganda lang ng pangangaral ang mga turo ninyo wala sa substance............hindi makita.......wala palang silbi lahat ng mga nababasa kong magagandang bagay sa PASUGO ninyo...........
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, we have freedom of speech. ano pa po ba ang saloobin at paninira ang sasabihin ninyo? okay lang po sabihin nyo na. ang tanong lang ay kung ilan ang maniniwala^^
  • Mark Louie Castor puro lang pala salita siya....halatang di tunay

  • Mark Louie Castor wala nmn ako pakielam kung may maniwala man o wala, I am free to express my sentiments kasi narealize ko ang totoo about sa inyo
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, e di lumabas din po ang tunay nyong kulay. kunawari magpapadoktrina tapos masaya pala at debotong katoliko. wow style^^ at ulitin ko po ang INC, na tatag ng ating panginoong hesukristo ay tumutulong sa nangangailangan--> LINGAP SA MAMAMAYAN, INC GIVING. siguro naman ay hindi tayo nagbibilangan ng nagagawang kabutihan. yan po ba ang turo sa Catholic church? magbilangan, e kaya naman pala kayo tumutulong para ipamukha nyo sa iba na kayo ang tumutulong at sasabihin na ang iba ay hindi...
  • Mark Louie Castor nakapasok na ako sa Central ninyo at humanga sa ganda ng buhay ni Ginoong Felix Manalo, pero sa nakikita ko ngaun sa mga sinasabi mo.....parang I doubt n lng yung nakita ko sa Museum....kaya pala wala ako makita sa Museum ninyo na isang update man lang sa charitable works ninyo sa mga nasasalanta ng baha o bagyo
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, yes true po you can say whatever bad/good you want to say. at free rin po kayo mag isip ng masama at mabuti sa iglesia ni cristo^^
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, wala naman po kasi sa museum yung mga bagay na hinahanap nyo, nasa tv po, nasa CHURCH NEWS, hinding hindi po yun lilitaw sa museum, pero siguro yung LINGAP SA TONDO kung saan nag achieve ng 3 world records, baka makita natin dun sa next nating pagbisita. thanks^^
  • Mark Louie Castor ang tanong nakapunta k n b sa Museum at gallery sa central?
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, at bakit parang apektado ka po?^^ tutal, si facebook pa rin naman ang magdedecide, saka sample test palang naman po iyon, tulad nun nagreply si facebook wala daw nilalabag sa rules samantalang obvious naman, hindi naman madaling maremove ang mga accounts na yun. at kung di efective, e d iiistop ko yung campaign ko kahit sayang^^ saka hindi lang basta against ang irereport kundi nagbbgay ng mga maling info sa INC, okay lang kung tungkol sa doktrina sila against at pinapaliwanag sa maayos na paraan, pero kung pambababoy sa INC at pang aatake personally, i think wala kang rason para tutulan yung pinupunto ko. salamat po^^
  • Mark Louie Castor wala rin ako nakita sa GEM TV or Net 25
  • Mark Louie Castor saka diba binalaan ka na ng Central ninyo, eh bakit patuloy ka pa rin sa pagsuway? diba sabi sa PASUGO ninyo ang di pagsunod sa Pamamahala ay nagkakasala sa Panginoong Jesus?
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, ay syempre po, nitong year lang nato at marami akong natutunan at nadiscover na wala naman sa internet at sa pasugo^^ kung hinahanap mo yung sa GEM o NET 25, nasa youtube lang. hindi naman ako yayaman sa pagsisinungaling, dahil napanood ko po iyon. type nyo "Iglesianicristo1914" sa youtube channel na yan andun yung video sa CHURCH NEWS nakalimutan ko lang kung kelan yun basta ngayung year.
  • Mark Louie Castor pinapanood ko po yung lahat
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, sus, hanapin nyo nga po. eh pag nahanap ko ngayon? magpapadoktrina na kayo sa INC? haha game.
  • Mark Louie Castor saka isa pa, kung sinasabi mong pagbibigay ng maling info patungkol sa mga turo ng INC ang dinadahilan mo, mas mali din ang info na ipinapakita ninyo patungkol sa mga turo ng Iglesia katolika......

  • Mark Louie Castor bakit mo ako pipilitin magpadoktrina? bakit sino ka ba? para diktahan ako sa kung ano dapat ko gawin?
  • Mark Louie Castor kahit papirmahin mo pa ako pupunitin ko sa harapin mo ang papel....dahil walang sinumang pwedeng mandikta sa akin....
  • Mark Louie Castor the more na gusto mo ako itrap the more na di mo ako makukumbinse magpadoktrina kasi di ako uto uto
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, e di depnsahan nyo na lang po kung MALI nga at nagsisinungaling kami tungkol sa panniniwala ng Iglesia Katolika na halos lahat naman ng member ng INC ay mga katoliko din. e di sana hindi sila umanib sa INC kung alam nilang nagsisinungaling ang INC sa aral nila^^
  • Mark Louie Castor kaya pwede ba yang sinasabi mong 'eh pag nahanap ko ngayon? magpapadoktrina na kayo sa INC?', naku lumang tugtugin na yan..........di na epektib sa akin yan
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, at sino naman nagsabing pinipilit po kita? san ebidensya? i was just only joking ksi ang tamad nyong masearch sa youtube, eh andun lang naman yun. sympre alam ko namang ayaw nyo sa INC (which kannina may paawa style kayo na kesyo MAGPAPADOKTRINA PA NAMAN SANA KO SA INC) tapos ngayon biglang bawi? sino po satin ang nagsisinungaling? wow kitang kita ng readers yan!^^ tulad ng sabi ko walang sapilitan sa pag anib sa INC, alam ko namang ayaw papilit nung iba kasi trip nilang mapahamak, then go. walang pumipigil at pumipilit^^

  • Mark Louie Castor excuse me, hindi ako nagpapaawa effect kanina dahil totoo yung sinabi ko kanina, gusto mo kasi akong ipitin, binigyan mo pa ako ng kondisyones......
  • Mark Louie Castor so ignorante pala si Charice Pempengco kasi lumaki siya sa INC saka ignorante rin pala nanay niya, kasi nadoktrinahan na nga sa INC ng ilang bwan umalis pa rin.............
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, e di kung ayaw nyo mabiro, eh di wag kayong tamad maghanap^^ si charice ay hindi lumaki sa INC, nung naging separated na nanay at tatay nya ay katolikong paniniwala ang ipinamulat ng nanay na na originally namang katoliko. choice naman nya umalis kung gusto nya, pero ang alam ko ay hindi naman totally umalis, sabi kasi ng nanay nya ay nung nagseparate na sila ay lumipat na rin sila, at hindi na naasikaso yung transfer nila, sympre siguro tinamad na rin at ayun naging katoliko na sila, symepre hindi na kelangan sumamba twice a week, kahit kelan ka magismba kahit once a year ay okay lang, e di yun yung pipiliin nya. saka saglit lang naman din ata naging inc nanay nya eh at siguro nagpaconvert lang dahil sa asawa nya kaya ganun...
  • Iglesia ni Cristo blog Mark Louie Castor, yung tungkol pala sa sinasabi mo na binalaan ako ng central, asaan? walang ganun wag kapo sana magimbento. salamat po^^


Napansin nyo ba ang kaniyang mga style? Tara at isa isahin natin:

1. Kunwari magtatanong, pero ang gusto talaga eh makipag argumento.

2. Kunwari nagtatanong lang, pero pag nasagot naman ipipilit pa rin ang gustong palabasin.

3. Maang maangan, hindi daw sya nakikipagdebate pero pinipilit yung gustong palabasin, hindi makuntento kahit nasagot na yung tanong.

4. Paawa epek- kunwari magpapadoktrina na sana pero nagbago daw isip dahil sa mga sinabi ko, pero biglang bawi, proud Catholic pala sya.

5. Pag hindi nakuha ang gustong mangyari, ang innexpect nya, saka ilalabas ang tunay na kulay.

6. Tamad tamaran style, ayaw maghanap gusto susubuan pa.

7. Misunderstanding style, imimisunderstand yung mga sinasabi ko para magmuka akong sinungaling.

8. Lihis topic style, kung mapapansin natin ang pinaka una nyang tanong ay tungkol lang sa kung bakit wala daw kapilya na nagiging evacuation center, tas napunta kay Charice, anong konek???^^

Tapos, nagsumbong pa sya sa sinampulan naming ireport na FB fan page, okay na lang sana kung magpost sya sa wall ng FAN PAGE na yun kaso ayun at nagsinungalinga pa, eto ang sabi:

Sa Admin ng Grupo ng Ito:

Nagbabalak po si readme na alisin at idelete ang group na ito sa pamamagitan ng pag-announce sa kanyang fanpage na ireport ang group na ito sa facebook at ibang facebook groups, pages at facebook accounts na mahilig manuligsa sa kanila, para walang sumagabal sa kanila sa paninira sa Iglesia Katolika, ganyan sila kabias, dahil diyan pinaaalalahanan ko rin po lahat ng members ng group na ito na mag-ingat na binabalak po ng mga INC na idelete ang mga facebook accounts ninyo at ihack........maraming salamat po.....

Ano daw? Anong kapangyarihan namin magdelete ng mga facebook accounts at ihahack daw namin ang mga ito? Pasensya na po hindi po namin yan gawain, siguro gawain nyo yan no... hahaha

Ito po ang pambubuking sa mga style ng isang Katoliko na isa palang ANTI-RH BILL advocate, wow, buti ka pa sumusunod sa Catholic Church, pero yung ibang mga pari, obispo at mismong mga katoliko ay mga PRO-RH BILL. Hindi ko na sana ito ipopost kung di ka lang sinungaling.^^

Tungkol sa pagtulong:
Alam nyo, walang masamang tumulong, kanya kanya tayo ng paraan ng pagtulong sa iba, kaya kung TOTOO at BUKAL SA PUSO nyo ang pagtulong nyo, WALANG BILANGAN, at dapat hindi nyo IPINAPAMUKHA sa iba ang patulong nyo. At PLEASE, exempted ang INC dahil hindi namin ipinapamukha ang pagtulong namin, kahit na nagkamit pa ng 3 world records ang pinakamalaking LINGAP namin, hindi kami pupunta sa isang blog/website/forum/social networking site at sasabihin, "E BAKIT KAYO WALA NITO? BUTI PA KAMI, HINDI PALA KAYO MAKAKRISTYANO PAG GANYAN", wala pong ganun samin^^ At kung sasabihin nyong kesyo bakit binobroadcast pa sa tv ang pagtulong, normal lang yun, kasi HISTORIC ang nangyari sa tondo at sa mga normal na lingap naman, para naman makita nyo kung saan napupunta ang mga handog namin, na inaakusahan nyo ang INC na binubulsa lang ng mga ministro at ng mga "Manalo" ang handog namin. Siguro sa church nyo, panigurado, nasa history may corruption, samin po hindi uso yan.^^

______________________________

"Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit.

Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan." Mateo 6:14