"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label imahen. Show all posts
Showing posts with label imahen. Show all posts

July 24, 2012

Pagkakaiba ng ginagawa ng mga INC at Katoliko sa imahen at rebulto


Nakakatuwa at para bagang gustong palabasin ng mga katoliko na "kinakain namin ang sarili naming suka" dahil sa ang doktrina ng INC na makikita sa banal na kasulatan ay ganito:
"Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin. Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. " Exodus 20:4-5 (ABMBB)

Tapos, gumawa naman daw ng rebulto ni Ka Felix Manalo ang INC samantalang laging binabatikos ng Iglesia ang mga imahen/rebulto sa Iglesia Katolika. May pagkakaiba nga ba ang PAGGAMIT ng INC sa mga larawan/rebulto sa INC at sa mga larawan/rebulto sa Iglesia Katolika? Meron ba o wala o parehas lang sila ng PAGGAMIT SA MGA ITO?

Ito ang sagot: NAPAKALAKI NG PAGKAKAIBA NG "USAGE" ng sa INC at ng sa Iglesia Katolika, hindi lang isa o dalawa, kundi MARAMI, ANO ANO BA ITO?

Pero bago yan, ibibigay ko muna ang pagkakatulad ng GAMIT ng mga larawan/rebulto sa INC, sa Iglesia Katolika at ang mga pangkaraniwan at pampublikong larawan/rebulto katulad ng rebulto ni Dr. Jose Rizal:

- Upang ALALAHANIN ang tao sa larawan/rebulto.
- Upang bigyang PAGKILALA ang tao sa larawan/rebuto sa kanyang mga nagawa at kontribusyon.


PAGKAKAIBA:

- Hindi namin NILULUHURAN ang mga larawan/rebuto.
- Hindi namin DINADALANGINAN ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin ginagawang TAGAPAMAGITAN SA AMA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin PINAGTITIRIK ng KANDILA ang mga larawan/rebulto.
- Hindi namin HINAHALIKAN at HINIHIPO habang nagdadasal o kaya naman sabay magsisign of the cross sa mga larawan/rebulto.
- Hindi namin iniisip na ito ay NAKAKAGAWA NG MGA HIMALA at mga extraordinaryong mga bagay.
-Hindi namin ito pinupunasan ng twalya o bimpo o panyo at ipunas sa parte ng katawan namin na may sakit upang GUMALING.
- Hindi namin ito PINAGPUPRUSISYON.
- Hindi namin inaalayan ng mga pagkain at kung anu-ano. (puwera bulaklak)
- Hindi kami nag aalay ng isang araw upang gawing PIYESTA at ipaghanda ang larawan/rebulto.
- Hindi kami bumibili ng larawan/rebulto ni Ka Felix sa mga tindahan upang ipandisplay habang nakalagay sa sariling ALTAR.
- at pinaka importante sa lahat, HINDI NAMIN ITO GINAGAWANG PARANG DYOS (pinaglilingkuran at sinasamba DIRECTLY OR INDIRECTLY).

Masyado bang kaunti ang mga pagkakaiba ng mga imahen/rebulto sa INC sa imahen/rebulto sa Iglesia Katolika? ANG KONTI BA???^^

Maraming bible verse ang makakapagpatunay na IPINAGBABAWAL ngang talaga ng ating Panginoong Diyos ang paggawa ng imahen/larawan. Ngunit hindi lang basta basta ganun, kundi yung gagawin mong PARANG DYOS, hindi man ituring na DYOS MISMO, kundi PINAPARANG DYOS.

Wala naman masama kung tutuusin ang PAGGAMIT ng mga ito ng Iglesia Katolika, dahil tulad ng sa Katesismo nila na sinasabing ito (daw) ay para lamang GUNITAIN o ALALAHANIN at bigyang PAGKILALA ang mga santo upang maging halimbawa sa mga tao, ang kaso, dinagdagan nila ng ibat ibang "practice" sa loob ng simbahan nila kung kaya itoy naging masama.

Sana wag naman masyado nagagalit samin ang mga Katoliko, kung magbabasa man kami sa BIBLIYA ng mga verses na nagsasabing BAWAL nga ang ginagawa nyo, CONCERN lang naman kami dahil ayaw namin kayoy mapahamak, hindi po ito PAGPAPAPOGI o PAGPAPAHIYA sa inyong paniniwala, may kaniya kaniya tayong paniniwala, ang kaso hindi lahat ng paniniwala ay TAMA at sukat IKALIGTAS, kabaligtaran pa nga dahil sa halip na kaligtasan ang inyong tamuhin ay KAPAHAMAKAN PA. Pero kahit ganoon nga, may kalayaan tayo sa paniniwala, kung napagpasyahan nyo sa sarili nyo na kahit narinig nyo na ang mga KAUTUSAN sa bibliya ay gusto nyo pa rin ituloy ang paniniwala at tradisyon nyo wala na po kaming magagawa, ang kaligtasan is a matter of CHOICE, sabi nga sa bibliya:

"Today I have given you the choice between life and death, between blessings and curses. Now I call on heaven and earth to witness the choice you make. Oh, that you would choose life, so that you and your descendants might live! Deu. 30:19

At sana rin po ay wag kayong masyadong magalit kung binabatikos man namin ang inyong paniniwala ukol sa imahen/rebulto sa mga simbahan sa Iglesia Katolika, kasi kung tutuusin, kung titignan natin ang history, hindi naman kami ANG NAUNA dyan, kundi mismong Emperador ng Byzantine Empire, kung saan nagkaroon ng Iconoclastic period noon pang 730-787 A.D kung saan inalis at pinagtatanggal ang mga imahen/rebulto at striktong pinagbawal ang "veneration and worship of saints" na ginagawa ng mga katoliko ngayon.

Ito ang description at nakalagay mismo sa monumento ni Ka Felix Manalo na makikita sa Central Complex na ngayon ay tinatawag ng "FYM MEMORIAL": "Ang Kahalalan ng Sugo ay LAGI NATING ALALAHANIN, ngunit ang LARAWAN AT SYA ay HUWANG SASAMBAHIN."

Oh ayan, malinaw na, hindi pala ginawa ang rebulto ni Ka Felix upang SAMBAHIN, hindi katulad ng mga imahen/rebulto ng mga santo at ni Kristo(daw) na PINAPARANG DIYOS nila.

July 23, 2012

Nakakatawang depensa tungkol sa pagpupunas ng mga imahen sa Iglesia Katolika


Grabe ang tawa ko ng mabasa ko ang pagtatanggol ng isang pari, opo, PARI ng Roman Catholic Church ngunit hindi lang basta pari, kundi Catholic apologist din, pero hindi lang basta Catholic Apologist kundi CFD National Spiritual Director, itoy tungkol sa pagpupunas ng mga Katoliko sa mga imahen ng santo at ni Kristo(daw) sa mga prosisyon at sa kanilang simbahan.

Eto po ang nakakatawa nyang paliwanag (red, emphasis mine):

Anonymous said...



Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo.... bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale.... tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader?? bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun?? Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun????

nga pala....

katoliko ko,,, pero,, prang aanib ako sa Born Again... konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko... pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...







Fr. Abe, CRS said...



[Pader.... napansin ko lang sa katoliko... ang dameng katoliko na ginagawang Diyos ang mga santo...]



IMPRESSION MO LANG YAN KASI NALASON NA ANG MGA BORN AGAIN ANG ISIP MO. PERO ANG TUTUO HINDI GINAGAWANG DIOS NG MGA CATOLICO ANG MGA SANTO.



[bakit hindi nyo ipaliwanag sakanila na hindi Diyos ang mga santo para hindi sila namamale...]



PINAPALIWANAG YAN. MALINAW YAN SA MGA CATOLICO. YUNG MGA HINDI ALAM YAN SIGURO E HINDI NAKINIG NG ITINUTURO SA CATECHISM O SA LOOB NG SIMBAHAN. SUBALIT MALINAW ANG TURO NA HINDI DIOS ANG MGA SANTO.



[tapos Pader yun iba pupunas pa ng panyo tapos papahid sakanila,,, pra saan yun pader??]



SIEMPRE NILILINISAN ANG MGA IMAHEN. ANG IMAHEN NI RIZAL SA LUNETA AY NILILINISAN AT MAY GUARDIA PA AT MAY MGA FRESH FLOWERS. ANG STATUE NI MICHAEL JORDAN SA LABAS NG UNITED CENTER SA CHICAGO AY NILILINISAN AT PINUPUNASAN DIN PARA LAGING MALINIS. PANONG NAGING MASAMA ANG PAGPUNAS SA MGA LARAWAN. KAHIT NA ANG MGA LARAWAN NG ATING MGA MAHAL SA BUHAY AY NILILINISAN PARA HINDI MASIRA.



[bakit hindi nyo sabihin sakanila na male yun??]



SINONG NAGSABE NA MALI YON. PAG HINDI PINUNASAN ANG MGA LARAWAN E DI MAGIGING MADUMI SA ALIKABOK.



[Diba pagpapakita ng pagsamba sa diosdiosan yun???]



HINDE. SINONG BALIW ANG NAGSABI SA YO NA PAG PINUNASAN E PAGSAMBA? KUNG IKAW BA PUNASAN NG NANAY MO O NG KASINTAHAN MO ANG IYONG MUKHA IBIG SABIHIN BA NON SINASAMBA KA? YON AY TANDA NG PAGMAMAHAL AT PAGLILINIS SA ISANG MAHALAGANG BAGAY.

KAYA NGA PINUPUNASAN E KASI ALAM NG MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS YON. KASI ANG DIOS HINDI MAPUPUNASAN. KAYA PINUPUNASAN KASI ALAM NATING MGA KATOLIKO NA HINDI DIOS ANG MGA LARAWAN NG SANTO.



[nga pala.... katoliko ko,,,]



SALAMAT NAMAN.



[pero,, prang aanib ako sa Born Again...]



WAG, WAG KANG AANIB SA MGA BAGONG IMBENTONG RELIHIYON NA IYAN. LIKHA NG DIABLO ANG MGA GRUPO NA YAN. HINDI YAN GALING KAY CRISTO AT SA MGA APOSTLES. YAN AY PRODUCTO NG MGA HERETICO NA TULAD NI LUTHER AT CALVIN.



[konte lang kc pinagkaiba nun sa katoliko...]



MARAMING PAGKAKAIBA. MARAMI SILANG INIMBENTONG ARAL NA WALA SA BIBLIA.



[pareho lang ng Dios ,,,TRINITY...]



PAREHO NGA ANG DIOS SUBALIT GUMAYA LANG SILA SA ATIN KAYA PAREHO. ISA PA MAGKAIBA ANG IGLESIA KASI SILA BAGONG IMBENTO LANG HINDI TUNAY NA GALING KAY CRISTO. WAG MONG SALIHAN ANG RELIHIYONG GAWA NG TAO.

source: thesplendorofthechurch.blogspot.com

Yan po pala ang explanation ng Iglesia Katolika tungkol sa pagpupunas ng kanilang pinakamamahal na mga rebulto/imahen ng mga santo at ni Kristo(daw), ay dahil daw MARUMI, kaya KAILANGANG PUNASAN.

"Napaka intelihente", at "napaka sensible" naman masyado ang pagpapaliwanag ni "Father" na CFD National Spiritual Director, o sige na nga, tanggapin na natin ang kanyang paliwanag, na kaya pala pumipila ang milyon milyong katoliko lalo na pag pista ng itim na Nazareno, na ang iba ay namamatay at nagkakasakitan dahil sa tulakan kapag prosisyon, ay para lang pala linisin ang imahen ni Kristo(daw), eto:




Akala ko pa naman ay naggigitgitan at nagsasakripisyo sila para sa MILAGRO ng Itim na nazareno, yun pala para sa MILAGRO ng "alikabok at dumi" ng itim na Nazareno. Ito pala ang pinupunasan nila at pag dumikit na sa kanilang mga twalya, ipapahid sa bahagi ng katawan na may sakit at sila ay gagaling. Wow, miraculous GERMS!

Naniniwala pa sila na milagro ang mga ito, pero ito ang sinasabi ng bibliya:

"They put it on their shoulders and carry it. They set it in its place, and there it stands; it cannot move from its place. People may yell at it, but it cannot answer. It cannot save them from their troubles." Isaiah 46:7

Hindi kasi matanggap ng mga depensor Katoliko na kahit isang milyong beses pa nilang sabihing hindi nila sinasamba ang mga larawan/statwa ng santo nila at ni Kristo(daw), hindi nila maisasantabi ang katotohanang maraming katoliko ang lantaran at literal na sinasamba ang mga ito. Sila na mismo ang nagsabi na "ignorante" kasi ang mga katoliko sa sariling dokrtina, kaya ang mga may alam sa aral ng Iglesia Katolika, ang sasabihin hindi daw nila sinasamba at ginagawang dyos, pero para naman sa mga katolikong walang kaalaman sa paniniwala nila, ang ginagawa nila ay pagsamba at paglilingkod sa mga ito.

Isa sa magandang halibawa ay ang mga dating katoliko na lumipat sa ibang relihiyon partikular na sa Iglesia ni Cristo, kung totoong hindi nila sinasamba at pinaglilingkuran yung mga santo nila, BAKIT SILA UMALIS SA IGLESIA KATOLIKA? at BAKIT SILA AFFECTED?

Kung totoong hindi nga, eh bakit ang madalas nilang sabihing dahilan kaya sila lumipat ng relihiyon eh "Nalaman ko kasi sa bibliya na mali pala ang pagsamba at paglilingkod sa mga inanyuang tao na mga rebulto/statwa/imahen" ?