"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label gusaling sambahan. Show all posts
Showing posts with label gusaling sambahan. Show all posts

July 20, 2015

Bakit mahalaga ang pagsamba sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo?

Takang taka ang mga di kaanib sa Iglesia kung bakit ganun na lamang kung pahalagahan namin ang aming PAGSAMBA.
Sasabihin nila, ano ba yan sasamba ka na naman, hindi ba pwede umabsent sa inyo? May bayad ba pag di ka sumamba? Ang alam ko dadalawin ka nila tapos papagalitan kapag di ka nakasamba diba? Masyado ka namang banal nyan! Hindi ba pwedeng hindi ka sumamba kahit isang beses lang?

Sabay sasabihing, kaya ako naniniwala ako hindi naman makakapagligtas ang relihiyon eh, manalangin ka lang at sumampalataya sa Diyos ok na yon, kesa sumasamba ka nga ganito ganyan naman ginagawa mo... etc etc etc

Alam ko maraming nakaka-relate dito, dahil hindi ata mawawala sa bawat isang kaanib sa Iglesia ang maka experience ng ganito mula sa kaniyang mga katrabaho, kaklase, pamilya, kamag anak, kaibigan, at kakilala na hindi miyembro ng Iglesia. SOBRANG HIRAP ipaintindi kung BAKIT, kung anong dahilan, dahil kahit silay sagutin mo, di rin naman sila magpapatinag, ang iba nga eh hahantong pa sa simpleng pakikipagdebate.

Ngunit kung babasahin natin ang bibliya, dito natin malalaman ang kasagutan kung bakit...