Ito na nga yata marahil ang PINAKAMATINDING PAGSUBOK na dumaan sa kasaysayan ng Iglesia. Pagsubok para sa Iglesia, at pagsubok sa pananampalataya ng mga kaanib.
Hindi na bagong bagay ang mga PAGSUBOK sa loob ng Iglesia ni Cristo. Marami na itong napagdaan, kung kelan ba dumating na ito sa ika 101 taon ngayon pa ba tayo BIBITIW? Ngayon pa ba tayo MANGHIHINA? Ngayon pa ba tayo MANLALAMIG? Ngayon nang nasa daan ka na tungo sa kaligtasan, ngayon ka pa ba liliko tungo sa KAPAHAMAKAN?
Kung babalikan natin ang mga nakalipas, ang mga TUNAY NA KAPATID ay NAGTIIS ng mga pagsubok, naging matibay sila sa kanilang pananampalataya at HINDI SILA TUMALIKOD sa kanilang pagka-Iglesia ni Cristo.
Nasa sa iyo ang desisyon, NASA ATING MGA KAMAY kung tayo ba ay mananatili, magiging tapat hanggang wakas UPANG MALIGTAS, o magpapadaig tayo sa pagsubok na ito ng ating Panginoong Diyos?
Sabi nga nila eh, PUSPUSAN NA ang PAGLILINIS sa Iglesia, ipinahintulot ito ng Diyos upang malaman kung gaano katatag ang ating pananampalataya sa kaniya. Inaalis na ng Diyos ang mga taong hindi karapat dapat: mga mahihina, nanlalamig at higit sa lahat, mga hindi tunay na Iglesia ni Cristo.
Ang pananampalataya kasi natin ay hindi sa Iglesia mismo kundi sa ATING PANGINOONG DIYOS. Kung madali kang MATISOD at manghina, huwag na huwag kang aasa sa KALIGTASAN, dahil ang pagkamit noon ay hindi basta basta. Kumbaga sa mga pagligsahan, kailangan mo munang MAGSAKIT, MAGTIIS AT MAGSAKRIPISYO kung gusto mo mapanalunan yung premyo. Pero kung ikaw yung taong madaling sumuko, hindi pa nga nagsisimula yung paligsahan ayaw mo na magpatuloy, huwag ka ng umasa sa iyong mapapalanunan tutal ayaw mo palang maghirap para doon.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng Iglesia, sino sino ba yung mga taong LUMABAN SA PAMAMAHALA ng Iglesia? Sino sino ang mga taong nagbigay ng PAGSUBOK sa pananamapalataya ng mga kapatid?
At ang tanong ay, NAGTAGUMPAY BA SILA?
Showing posts with label Dr. Melanio Gabriel Jr. Show all posts
Showing posts with label Dr. Melanio Gabriel Jr. Show all posts
July 27, 2015
October 1, 2012
Ang Katotohanan sa Lihim ng Iglesia Ni Cristo na inihayag ni Dr. Melanio Gabriel Jr.
Ito po ang sagot ng Iglesia ni Cristo na isang 9 pahinang polyeto sagot sa libro ng isang dating kaanib na si Mr. Melanio Gabriel Jr. na may akda ng librong "Ang lihim at mga kabulaanan ng Iglesia ni Kristo". Ito po ay tungkol sa pagkatao ng nasabing dating INC member (na kiniklaim ngayon ng mga di kaanib na MINISTRO DAW) na dahilan kung bakit siya umalis at nagsulat pa ng isang libro na laban sa Iglesia ni Cristo--upang maghiganti.
Kayo na po ang humusga.
Nakakatuwa nga ang ibang di kaanib na paninira daw ang polyetong ginawa ng INC, kung ano ano ang kanilang sinasabi at eto nga, nabasa ko, miski isang paninira sa pagkatao ay wala akong nakita, puro mga dokumento lamang ang nakalagay, na nagpapaliwanag kung ano ba ang nagtulak sa dating INC member na ito na gumawa ng libro laban sa Iglesia ni Cristo.
(Salamat po sa isang kapatid na nagemail at nagscan ng mga ito!^^)
Subscribe to:
Posts (Atom)










