"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Bloc voting. Show all posts
Showing posts with label Bloc voting. Show all posts

November 6, 2013

Nilalabag ba ng Iglesia ni Cristo ang Separation of church and state?

Sabi ng mga walang alam sa batas at mga walang alam sa tunay na doktrina ng Iglesia ni Cristo, nilalabag daw ng Iglesia ni Cristo ang batas sa separation of church and state. 

At dahil hindi nila naiintindihan ito kaya sila nagsasalita ng walang alam. Yan ang mga taong nagmamarunong. Ang totoong dahilan nila ay upang siraan ang Iglesia dahil naiinggit sila dahil patuloy itong lumalago at nagtatagumpay.

Sabi nila, dahil sa pagkakaisa sa pagboto ng mga miyembro ng INC ay nalalabag daw ang separation of church and state dahil iniimpluwensyahan daw ng mga leader ang pasya ng kanilang mga miyembro.

Talakayin nga natin kung ano ano ang nakasaad sa batas tungkol sa separation of church and state:
The separation of Church and State shall be inviolable. (Article II, Section 6)

No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Article III, Section 5)

source:1987 Constitution of the Philippines

Saan diyan ang nilabag ng Iglesia ni Cristo?

Ano nga nga?

Wala naman pala bakit ang hilig nyo magkwento?

Pagpapatunay na hindi kayo mga tunay na Kristyano at hindi kayo sa Diyos?

Okay...

Eto turo ng Iglesia ni Cristo oh:


"Separation of Church and State. The Church of Christ upholds the democratic ideal of separation of church and state. It advances through peaceful and legal means the right and freedom of its members and congregations to conduct worship and other religious activities as provided for and protected by the fundamental law of the land."

source: from a pamphlet distributed during church's 95th anniversary in 2009

Ang kanilang paratang

Eto daw kasi yung nilalabag ng Iglesia ni Cristo, ang Omnibus Election Code of the Philippines sec. 261 kung saan ito ang isinasaad:


"(d) Coercion of subordinates. - (1) Any public officer, or any officer of any public or private corporation or association, or any head, superior, or administrator of any religious organization, or any employer or land-owner who coerces or intimidates or compels, or in any manner influence, directly or indirectly, any of his subordinates or members or parishioners or employees or house helpers, tenants, overseers, farm helpers, tillers, or lease holders to aid, campaign or vote for or against any candidate or any aspirant for the nomination or selection of candidates."
(2) Any public officer or any officer of any commercial, industrial, agricultural, economic or social enterprise or public or private corporation or association, or any head, superior or administrator of any religious organization, or any employer or landowner who dismisses or threatens to dismiss, punishes or threatens to punish be reducing his salary, wage or compensation, or by demotion, transfer, suspension, separation, excommunication, ejectment, or causing him annoyance in the performance of his job or in his membership, any subordinate member or affiliate, parishioner, employee or house helper, tenant, overseer, farm helper, tiller, or lease holder, for disobeying or not complying with any of the acts ordered by the former to aid, campaign or vote for or against any candidate, or any aspirant for the nomination or selection of candidates.  
(e) Threats, intimidation, terrorism, use of fraudulent device or other forms of coercion. - Any person who, directly or indirectly, threatens, intimidates or actually causes, inflicts or produces any violence, injury, punishment, damage, loss or disadvantage upon any person or persons or that of the immediate members of his family, his honor or property, or uses any fraudulent device or scheme to compel or induce the registration or refraining from registration of any voter, or the participation in a campaign or refraining or desistance from any campaign, or the casting of any vote or omission to vote, or any promise of such registration, campaign, vote, or omission therefrom.
 Source: Batas Pambansa Blg. 881, Omnibus election code of the phil. sec.261 chanrobles.com

Tignan nga natin sa dictionary ang ginamit na mga terms para maintindihan nating lahat:


co·erce  (k-ûrs)tr.v. co·erced, co·erc·ing, co·erc·es
1. To force to act or think in a certain way by use of pressure, threats, or intimidation; compel.
2. To dominate, restrain, or control forcibly:
3. To bring about by force or threat:
in·tim·i·date  (n-tm-dt)
tr.v. in·tim·i·dat·ed, in·tim·i·dat·ing, in·tim·i·dates
1. To make timid; fill with fear.
2. To coerce or inhibit by or as if by threats.

com·pel  (km-pl)tr.v. com·pelled, com·pel·ling, com·pels
1. To force, drive, or constrain:
2. To necessitate or pressure by force;
3. To exert a strong, irresistible force on;
threat  (thrt)
n.
1. An expression of an intention to inflict pain, injury, evil, or punishment.
2. An indication of impending danger or harm.
3. One that is regarded as a possible danger; a menace.
dis·miss  (ds-ms)tr.v. dis·missed, dis·miss·ing, dis·miss·es
1. To end the employment or service of; discharge.
2. To direct or allow to leave: 
3.
a. To stop considering; rid one's mind of; dispel:
b. To refuse to accept or recognize; reject: 
source: thefreedictionary.com

In other words, walang sinuman ang MAMUMUWERSA o MANG IIMPLUWENSIYA sa isang tao na IKAMPANYA ang isang KANDIDATO para IBOTO o HINDI IBOTO.

Gets?


Nang iimpluwensya ba ang Iglesia ni Cristo sa miyembro nito?

Bago natin sagutin yan, ano ba ang ibig sabihin ng mang-impluwensya?


in·flu·ence  (nfl-ns)  v. in·flu·enced, in·flu·enc·ing, in·flu·enc·es
1. To produce an effect on by imperceptible or intangible means; sway.
2. To affect the nature, development, or condition of; modify.
source: thefreedictionary.com

Hindi kami iniimpulwensyahan ng aming lider sa kung sino ang iboboto namin. Yan ang katotohanan. Pag sinabi mo saking impluwensya, halimbawa, ako, meron akong gustong iboto tapos kakausapin ako ng ministro at hihikayatin na si ganito na lang ang iboto ko. O kaya naman sasabihin niya sakin, close naman tayo diba, may utang na loob ka pa sakin, si ganito na lang iboto mo wag na si ganito.

Eto pa halimbawa ng pang iimpluwensya sa miyembro, halimbawa, meron akong gustong iboto tapos sabi ng namamahala samin, mga kapatid iboto po natin si ganito, at dahil hinahangaan kong tao ang namamahala samin, sa halip na si ganiyan ang iboto ko, ay si ganito na lang ang iboboto ko, yung inindorso ng lider na namamahala samin.

Yung indorso kasi parang yung sa commercial sa tv, NANGHIHIKAYAT. Ang Iglesia ni Cristo hindi naman HINIHIKAYAT ang mga miyembro nito na iboto si ganito o ganiyan.

Ang ginagawa ng Iglesia ni Cristo tuwing bago mag eleksyon, ipinapaalala ang doktrina sa kaisahan, at ipapabatid ang susuportahang kandidato. Walang kandidato ang pinapayagang mangampanya sa loob ng kapilya at sa lahat ng aktibidad ng Iglesia.

Wala yung tulad ng ginagawa ng El Shaddai at Kingdom of Jesus Christ ni Mr. Quiboloy na pinapahayag nila sa madla yung sinuportahan nila at dumadalo pa nga ng event nila. Kung ako eh miyembro nila, malamang eh maiimpluwensyahan ako na iboto ang gusto nilang suportahan lalo na kung active at devoted ako na miyembro nila.

YUN ANG TINATAWAG NA NANG IIMPLUWENSYA!


Namumuwersa ba o nag-babanta ang Iglesia ni Cristo sa mga miyembro nito?

Itanong nyo sa lahat ng miyembro kung meron na bang experience na meron sa Iglesia ang ganito-> coerce/intimidate/compel/threat/dismiss/influence.

Kung wala, eh ano ba talagang problema niyo? Bakit napaka affected niyo eh hindi naman kayo yung nagkakaisa sa pagboto?
Katotohanan:

Walang miski isang miyembro ng Iglesia ni Cristo pinupwersa o tinatakot na kapag hindi mo ibinoto si ganito at ganiyan ay ititiwalag ka.

Yan kasi ang kadalasang maririnig sa mga taong masyadong naapektuhan ng pagkakaisa namin, na kesyo, wuuuu weehh eh tinatakot nga kayo ng mga ministro niyo na ititiwalag kayo pag di niyo binoto si ganito at ganiyan.

KASINUNGALINGAN YAN.

Ano yon, sa milyung miyembro ng INC sa Pilipinas iisa isahin para takutin at pagbantaan ng ganiyan? Ano yan tuwing eleksyon gaganyanin lahat ng miyembro? Ano to lokohan?

Ang pagboto ng kandidato sa amin ay hindi pwersahan at walang pagbabanta na nagaganap. Imahinasyon lang yan ng mga naiinggit sa pagkakaisa ng Iglesia dahil sa Iglesia nila di nila magagawa gawa yon. Isa sa mga doktrina ng Iglesia na itinuturo sa doktrina bago pa bautismuhan ang isang gustong umanib ay ang tungkol sa PAGKAKAISA. No. 22 yon sa 25 na doktrina na itinuturo tuwing my bible study ang Iglesia ni Cristo. Walang pumupwersa sa kanilang umanib kaya ang pagboto sa kandidato ay hindi pwersahan. Bago pa sila bautismuhan ay alam na nila na may aral sa Iglesia tungkol sa pagkakaisa, at isa na diyan ay ang pagkakaisa sa pagboto tuwing eleksyon.
Katotohanan:

Walang nakakakita at nakakaalam sa kung sino ang ibinoboto ng bawat miyembro ng Iglesia.

Puro kasi kalokohan ang mga di kaanib, naniniwala silang may nagtitiktik sa milyun milyung miyembro ng Iglesia tuwing eleksyon sa kung sino ang iboboto. Nasa miyembro na yon kung susunod ba siya sa ARAL NG IGLESIA, wala sa kaniyang nagbabanta o pumupwersa doon kaya meron pa ring kalayaan sa pag iisip ang lahat ng kaanib. Alam din ng bawat kaanib na ang paglabag sa doktrina ng Iglesia tulad ng pag aasawa ng di kapananampalataya, paglaban sa pamamahala, pamumuhay ng labag sa buhay Kristiyano at iba pa ay may kaparusahang PAGKATIWALAG.

Lahat ng tao sa mundo walang pumupwersa at nagbabanta para gumawa ka ng mabuti. Nasa sa iyo yon kung gagawa ka ng mabuti o masama. At kung gumawa ka ng masama, mananagot ka sa batas ng tao at batas ng Diyos, bawat paggawa ng masama ay may kaparusahan.

Ganun din sa amin. Walang nakakakita sa binoto ng 1 miyembro kundi SIYA LAMANG at ang DIYOS.


Kung hindi ang Iglesia ni Cristo, aling mga relihiyon ang tunay na lumalabag o lumabag sa Omnibus Election Code of the Philippines?


Ikokowt ko muli ang batas:



"(d) Coercion of subordinates. - (1) Any public officer, or any officer of any public or private corporation or association, or any head, superior, or administrator of any religious organization, or any employer or land-owner who coerces or intimidates or compels, or in any manner influence, directly or indirectly, any of his subordinates or members or parishioners or employees or house helpers, tenants, overseers, farm helpers, tillers, or lease holders to aid, campaign or vote for or against any candidate or any aspirant for the nomination or selection of candidates."

Tagalog mula sa inemphasized: Wala daw SAMAHAN O LIDER ng kahit anong SAMAHANG PANRELIHIYON ang MANG IIMPLUWENSIYA sa kanilang mga MIYEMBRO sa direkta o hindi direktang paraan para MANGAMPANYA sa KAHIT SINONG KUMAKANDIDATO.


El Shaddai:





Kingdom of Jesus Christ:





Jesus Is Lord Church:

"Political involvement

In 2001, the Social Weather Stations estimated that the JIL’s voting strength was 307,000 or only 10% of its claimed membership. Today, JIL has 4 million members, Villanueva said. 

A week before the 1992 presidential elections, JIL Church founder Eddie Villanueva claims divine guidance to endorse Fidel Ramos. Ramos won becoming the country's first Protestant president, but his victory was tainted by allegations of wholesale cheating in Mindanao. Villanueva became his private chaplain. 

In 1997, Ramos unsuccessfully lobbied to amend the constitution and lift the single six-year presidential term limit. Villanueva lead the Philippines for Jesus Movement in petitioning for the change. 

In the 1998 Philippine presidential elections, Villanueva actively endorsed and "anointed" Jose de Venecia as the next president.[5] De Venecia finished 6 million votes behind the very popular Joseph Estrada. In 1999, Villanueva along with the Philippine Council of Evangelical Churches, Cardinal Sin and ex-President Corazon Aquino, strongly opposed Estrada's efforts to amend the constitution. 

In April 2001, Estrada is arrested on plunder charges, prompting his loyalists to demonstrate. Villanueva joined Pentecostal and Catholic leaders in condemning the rally. 

In the 2004 Philippine presidential election, Villanueva ran for president. Villanueva presented himself as someone who wanted to fight against “moral bankruptcy” and corruption in the Philippines. His supporters include Christian showbiz personalities Piolo Pascual, Donita Rose, Gary Valenciano and Kuh Ledesma. He got 1,988,218 votes or 6.16% of the total votes. He not only lost the race but also the votes of other Christian denominations and four megachurches in the country by the likes of Rev. Butch Conde of Bread of Life Ministries International, Rev. Peter Tan-Chi of Christ's Commission Fellowship, Dr. Luis Pantoja of Greenhills Christian Fellowship and Rev. Steve Murrel of Victory Christian Fellowship that believed he shouldn’t have run and they didn't support Villanueva because of the separation of church and state.[6] When Gloria Arroyo won the election, Villanueva rejected Arroyo's overtures to join her administration. In July 2005, Arroyo called for constitutional changes amid accusations of corruption and election manipulation. The Philippine Council of Evangelical Churches supported Arroyo during impeachment investigations, while Villanueva called for Arroyo to resign.[7] Villanueva alleges that Arroyo ordered her allies to shave off votes from him in the 2004 presidential election and transfer them to hers.[8] Around 200,000 JIL members rallied and asked Arroyo to resign and call a snap election. 

In the 2010 Philippine presidential election, Villanueva ran for president again but lost receiving only 1,125,878 votes or 3.12% of the total votes."

source: wikipedia 


Members Church of God International: 





Catholic Movements:


"One month before the May 13 national mid-term election, the White Vote Movement endorsed senatorial candidates Koko Pimentel, Cynthia Villar, Sonny Trillanes, Gringo Honasan, Mitos Magsaysay and JV Ejercito Estrada.

Two weeks after that, the group endorsed Dick Gordon, Migs Zubiri, Nancy Binay and Marwin llasos.

And two days before the elections, on the final day of the campaign, the group added Ramon Magsaysay and Bam Aquino."
source: solarnews.ph

 

Eto naman ang iemphasize natin:


"(d) Coercion of subordinates. - (1) Any public officer, or any officer of any public or private corporation or association, or any head, superior, or administrator of any religious organization, or any employer or land-owner who coerces or intimidates or compels, or in any manner influence, directly or indirectly, any of his subordinates or members or parishioners or employees or house helpers, tenants, overseers, farm helpers, tillers, or lease holders to aid, campaign or vote for or against any candidate or any aspirant for the nomination or selection of candidates."

Tagalog: Wala daw SAMAHAN O LIDER ng kahit anong SAMAHANG PANRELIHIYON ang MANG IIMPLUWENSIYA sa kanilang mga MIYEMBRO sa direkta o hindi direktang paraan para IKAMPANYA NA HINDI IBOTO ang KAHIT SINONG KUMAKANDIDATO.

Catholic Church:


Sabi ng Simbang Katoliko HUWAG DAW IBOBOTO ANG TEAM PATAY.

 
Ano ngayon? Sige alin-aling relihiyon ba ang tunay na lumabag sa batas?

Ang galing ano, pag Iglesia may kaisahan todo batikos, sa mga gaya gaya namang relihiyon na walang basehan sa doktrina ang bloc voting wala lang para sa kanila. Ayos ah.


Iglesia ni Cristo = may doktrina tungkol sa kaisahan sa Iglesia na nasa bibliya

Mga gaya-gaya = pansariling interes kaya nag-eendorso at nang iimpluwensya ng kanilang mga miyembro

May 9, 2013

Ang kapalit ng pag-endorso ng Iglesia ni Cristo

Ano-ano ang mga kapalit ng pagsuporta o para sa ilan ay "pag-endorso" ng Iglesia ni Cristo sa mga pulitikong kumakandidato?
 
Meron ba o wala?

Ano ba talaga ang KATOTOHANAN?





Marahil ay meron pa ring magpupumilit ng kanilang SARILING OPINYON. Pero kahit ipilit nyo yan ng 1 milyong beses, MANANAIG at MANANAIG pa rin po ang KATOTOHANAN. 


Kapag ba sinuportahan ng Iglesia ni Cristo siguradong mananalo?

Hindi ko alam kung bakit napakalaking issue sa mga di kaanib ang PAGKAKAISA sa pagboto ng Iglesia ni Cristo. At hindi ko rin alam kung bakit kailangan nilang ipagduldulan na pinapaulit ulit na sinasabi na may mga sinuportahan ang Iglesia na hindi naman nanalo.

Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman kaming aral, doktrina o pagcclaim kapag nilabas na ang listahan ng mga susuportahan ng INC, na kapag pinagkaisahan namin silang iboto ay SURE NA SURE SILANG MANANALO.

Paano magiging SURE NA SURE na mananalo sila eh ayon sa Philippine census, ang populasyon ng Pilipinas noong 2010 ay 76, 504,077. Ayon din sa nasabing census, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noong 2010 ay 2.3% o 1,759,593.8 lamang.

Isip isipin naman natin yon. Isip isipin din natin kung NANGANGAKO ba ang Iglesia ni Cristo na kung ang susuportahan nilang mga kumakandidato ay SIGURADONG MANANALO.


FACT: Hindi lahat ng sinusuportahan ng INC ay NANALO.

Tignan nga natin ang research kong list ng mga Presidenteng naluklok kung yung mga sinuportahan ng INC eh nanalo nga ba:



List of Presidents
Voted by the INC or not
If not, who voted by the INC
Manuel L. Quezon
YES

Jose P. Laurel
NO
Jose Avelino
Sergio Osmena
NO
Manuel Roxas
Manuel Roxas
YES

Elpidio Quirino
NO
Jose Avelino
Ramon Magsaysay
NO INFORMATION
NO INFORMATION
Carlos P. Garcia
NO INFORMATION
NO INFORMATION
Diosdado Macapagal
NO
NO INFORMATION
Ferdinand E. Marcos
YES

Corazon C. Aquino
NO
Ferdinand Marcos
Fidel V. Ramos
NO
Eduardo Cojuangco Jr.
Joseph Ejercito-Estrada
YES

Gloria Macapagal-Arroyo
YES

Benigno C. Aquino III
YES



Ang pinag-ugatan ng kanilang paniniwala

Pinaniniwalaan nila kasi nila sa sarili nila na ang mga sinusuportahan ng Iglesia ni Cristo eh yung mga NANGUNGUNA LAMANG SA SURVEYS.

Sasabihin ng iba dyan, EH TOTOO NAMAN EH!

Totoo nga ba? Eh bakit ganiyan ang naging resulta noon? May mga sinuportahan ang INC na hindi naman nanalo? At kahit sa local elections merong mga sinusuportahan na hindi rin nananalo?


Ano ba ang ARAL sa Iglesia ni Cristo at ang layunin nito?

Ang alam kong aral na itinaguyod ng Ka Felix Manalo, ang kinikilala naming sugo sa mga huling araw, ay ang PAGKAKAISA sa loob ng Iglesia at hindi aral na PAPANALUNIN ang mga sinuportahang kandidato.

Ang layunin ng bloc voting o kaisahan sa pagboto ay PAGKAKAISA, hindi kami nagbobloc voting para silay siguradong MANALO. 

Ayon nga sa kanila eh 1-2 milyon lang ang INC kumpara naman sa natitirang populasyon sa kasalukuyan na 90 milyon+

Ang tawag sa boto ng INC ng mga pulitiko at media dito ay "swing vote".

Ano ba ang "swing vote"?

 "A swing vote is a vote that is seen as potentially going to any of a number of candidates in an election, or, in a two-party system, may go to either of the two dominant political parties. Such votes are usually sought after in elections, since they can play a big role in determining the outcome." source: wikipedia

At ang "swing voter" naman, ay yung voter na walang isang partido, ibig sabihin, hindi siya bumoboto ng mga kandidato sa iisang partido lang. Pwedeng sa magkakaibang partido siya kumuha ng kaniyang iboboto. Kung mapapansin nyo, ganyan din ang Iglesia ni Cristo, hindi ito bumoboto ng mga kandidato na iisang partido lang, at ang sabi nga, malaki ang ROLE ng "swing vote" sa "kalalabasan" ng eleksyon, kaya magtataka pa ba tayo kung bakit marami ang LUMALAPIT SA IGLESIA NI CRISTO?

Sabi pa ng taga media, CRUCIAL o VERY IMPORTANT daw ang INC VOTE sa nationa election lalo na sa dikitang labanan, halimbawa na lang, lumabas na ang resulta nationwide sa pagka-Presidente (hindi pa kasama ang boto ng INC), nakakuha si Candidate #1 ng 10 million votes, si Candidate #2 naman nakakuha ng 8.5 million votes...

I-assume natin ang sinasabi ng media na kaya ng INC na makapagdala ng 2 million votes, i-plus mo ang 2 million votes kay Candidate #2, siguradong siya ang panalo.

Gets nyo?

Sinasabi nila na importante ang makuha ang suporta ng Iglesia ni Cristo, dahil may KAISAHAN sa pagboto, hindi ito bumuboto ng iisang partido lang kaya may tyansa ang lahat ng kumakandidato na makuha ang suporta, at malaki ang ROLE ng INC VOTE kung pag uusapan ang dikitang laban ng mga kumakandidato...

Kung local election naman ang pag-uusapan, wala tututol na malaki ang papel ng boto ng INC dito lalo na daw sa mga lugar na marami ang myembro ng INC.


Ano ba ang BASEHAN ng INC upang iboto ang isang kandidato?

Hindi ko alam ang eksaktong sagot dito,unang una dahil 1st time ko pa lang boboto sa May 13, at pangalawa, hindi naman ako kasali sa "Church Administration" para masagot ito. Pero isa lang ang alam ko, at nasabi na ito sa mga pagsamba, ang binoboto ng INC ay ang kumikilala sa Iglesia. period.

Sasabihin ng ilan, ibig sabihin pala hindi nyo binabase sa bibliya ang pagsuporta sa kanila? Sasabihin din nila, eh bakit yung ilan sa mga binoto nyo mga kurakot, gumawa ng masama etc... etc...

Bakit? Meron pa bang pulitiko ngayon ang hindi nadawit sa ibat ibang mga eskandalo at masasamang gawain? May perpekto bang pulitiko? Kapag binoto ba ng INC ibig sabihin puro kabutihan at kabanalan ang gagawin ng isang pulitiko na hindi rin naman INC member?

Kahit naman iboto ng Iglesia ni Cristo ang mga PINAKAMABABAIT at PINAKAMABUBUTI sa mga kumakandidato imposibleng pag naupo na siya eh hindi siya masasangkot sa kung ano anong eskandalo at mga usapin.

At ang mga kadalasan naman atang "mabubuti" at "mababait" eh yun yong konti lang ang sumusuporta, kaya kung iboboto sila ng Iglesia ni Cristo, kahit madagdagan pa sila ng 2 milyon kung sila yung mga pinaka kulelat HINDI RIN NAMAN SILA MANANALO. At kung wala man lang miski isang nanalo sa mga sinuportahan ng Iglesia ni Cristo, anu pat nag bloc voting kami? PARA SA WALA? 

Ikaw, boboto ka ba sa mga kulelat? Bumoto ka pa, nasayang lang pagboto mo miski isa walang nanalo. 

At kung saka-sakaling nanalo ang mga ibinoto mo, at nung naupo na sila eh nadawit at nasangkot sila sa mga eskandalo at masasamang gawain, dapat ba na ISISI SAYO KUNG BAKIT SILA MGA KURAKOT AT MASASAMA?

Bumoto ka lang naman eh. Dun na natatapos ang responsibilidad mo. Hindi mo naman siguro kasama sa responsibilidad mo na bantayan ang binoto mo sa buo nyang termino habang tinitiyak na wala siyang gagawing masama o hindi siya masasangkot sa mga eskandalo.

Ang mga nahalal ang gagawa ng history nila. 

Kung sa buong termino nila eh mangungurakot lang sila o tutulong ba talaga sa mga Pilipino. 

Ibig sabihin ba kung sakaling naging masama silang pinuno, KASALANAN MO? Kasi nung kumakandidato sila napaka-plastik nila na parang di nakakagawa ng masama, tapos nung binoto mo na saka lumabas ang totoong ugali. KASALANAN MO KASI HINDI MO NAHULAAN YUNG MGA GAGAWIN NILANG MASASAMA!


Ang mga nasa survey vs. iboboto ng Iglesia ni Cristo

Eto pala ang LATEST na listahan ng mga nangunguna sa survey base sa SWS:

1- Loren Legarda
2- Alan Peter Cayetano
3-4- Francis Escudero/ Nancy Binay
5- Grace Poe
6-7- JV Ejercito/ Cynthia Villar
8- Aquillino Pimentel III
9- Bam Aquino
10, 11, 12- Honasan/ Angara/ Trillanes/

Ang mga nakapula ay ang mga susuportahan daw ng INC base sa report ng media (sa Sabado pa kasi malalaman ang opisyal na sample ballot ng INC)

Ang ibang nasa listahan ng INC na wala sa top list ng SWS survey:

Richard Gordon
Jack Enrile

Tignan na lang natin kung anong kalalabasan ng eleksyon...



Ang "pag-endorso" ng Iglesia ni Cristo at "pag-endorso" ng ibang relihiyon

Para sa akin, malaki ang kaibahan ng "pag-endorso" ng INC ng mga kandidato, sa ibang relihiyon. At para sa akin, hindi "endorso" ang tawag doon sa INC kundi "PASYA". 

Sa Iglesia ni Cristo kasi, dahil may basehan sa kaisahan sa pagboto, kung sinuman ang napagpasyahang iboto galing sa Pamamahala ay automatically, walang pamimilit, ay susundin itong iboto ng mga INC members. 

Sa ibang relihiyon kasi na gaya-gaya, wala namang basehan, nag-eendorso o sumusuporta ang kanilang lider sa mga kandidato, ipinagbibigay-alam ito in public sa kaniyang mga miyembro at sila na ang bahala kung susundin ba nila ang gusto ng kanilang lider o hindi. 

Ibig sabihin, ang pagboto ng INC ay hindi dahil sa gusto lamang ng LIDER kundi dahil bago pa man nabatismuhan ang lahat sa amin ay may ARAL na tungkol sa PAGKAKAISA, at KAISAHAN sa PAGBOTO. Sa ibang relihiyon kasi ang pinapairal ay ang pagiging MAIMPLUWENSYA ng kanilang LIDER sa mga miyembro nito. 

Hindi kami sumusunod sa KAISAHAN dahil yun lang ang gusto ng mga "MANALO" (kung sabihin ng ilan) kundi dahil may ARAL sa amin tungkol dito.

Muli, hindi porke sinuportahan ng INC ang isang kandidato EQUALS MANANALO AGAD. Hindi ganun. Kaya kami may bloc voting para tuparin ang PAGKAKAISA sa IGLESIA, MANALO MAN O MATALO.


March 10, 2013

Ano ba talagang gusto nyo? [updated]

Hindi ko talaga maintindihan ang mga asar na asar at inggit na inggit sa INC sa di malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung sila bay sincere sa sinasabi nilang opinyon o gumagawa lang talaga sila ng palusot para lang kontrahin ang Iglesia ni Cristo.


BIBLE VERSION

Sinasabi ng ilan (may alam na katoliko), bakit nyo ginagamit ang bibliya namin hindi naman sa inyo yan, sa amin yan, eh kung gumawa kaya kayo ng sarili nyong bibliya! (sariling version/translation)

Sasabihin din ng ilan (ignoranteng katoliko), kaya tumutugma ang aral nyo sa bibliya kasi sarili nyong bibliya yan eh! Dapat ang gamitin nyo eh bibliya namin para patas!

Ano ba talaga?

Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang gumawa ang INC ng sariling bersyon ng bibliya o hindi?

Pag gumawa naman ang INC ng sariling bersyon ng bibliya ang sasabihin nyo, eh sarili nyong bibliya yan eh, kaya gagawin nyo yan para umayon sa doktrina nyo... Kapag naman walang sariling bibliya ang sasabihin nyo naman, Eh di gumawa kayo ng sarili nyo bakit kayo nakikigamit? 



ANG SUGO MOVIE

Sinasabi ng ilan, bakit naman ang kinukuha nyong mga artista eh mga katoliko, eh movie nyo yan eh dapat puro Iglesia ni Cristo lang ang gaganap dyan!

Sasabihin din ng ilan, bakit hindi mga ka myembro nyo ang gumanap dyan? Kinakahiya nyo ba ang mga artistang Iglesia ni Cristo?

Ano ba talaga?

Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang mag hire ng mga artista ang Iglesia ni Cristo kahit hindi kamyembro o puro Iglesia ni Cristo lang ang gaganap?

Pag nag hire ng mga di-INC member naman para sa pelikula ang sasabihin niyo eh INC movie yon kaya dapat INC members din gaganap, ang sabi pa ng ilan, bakit ganyan, ang title eh "ANG SUGO" pero puro katoliko ang bida... Kapag naman puro myembro lang ang gaganap sasabihin nyo naman, sino naman kaya ang matyatyagang manood sa pelikula nyo, eh hindi naman ganun na mga kasikat ang artistang myembro nyo!



PHILIPPINE ARENA

Sinasabi ng ilan, dapat payagan nila for all concerts/religious assemblies ang arena na ito tutal ipinangalan ito sa bansa natin! Hindi ba isang kadamutan nyo kung hindi pwede ang catholic assemblies/ protestant assemblies dito? Eh kung si Lady Gaga, hindi nyo papayagan?

Sasabihin din ng ilan, kung papayagan nila ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena nila kahit ibang pananampalataya, hindi ba ito magiging AGAINST sa kanilang paniniwala? Di ba Iglesia ni Cristo ang may-ari nito? Bakit nila papayagan, tutal sila na mismo ang nagpapatakwil sa mga maling aral ng mga ito?

Ano ba talaga?

Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang payagan ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena o PILI lamang ng Iglesia ni Cristo?

Pag hindi pinayagan ang religious assemblies at concerts sasabihin nyo sakim kami dahil pinangalan sa bansa natin pero hindi naman pinapagamit sa lahat... Kapag naman pinayagan ang lahat, bukas sa lahat ang paggamit ng arena ang sasabihin nyo naman eh AGAINST ito sa paniniwala namin, na bakit daw namin ito pinapagamit sa mga ganoong events eh labag ito sa mga aral na itinuturo ng INC.


BLOC VOTING

Sinasabi ng ilan, kaya lang naman nananalo ang mga ibinoboto nyo dahil umaasa kayo sa survey, bukod sa pansariling survey na ginagawa nyo, sinusuportahan nyo yung mga popular at sa tingin nyong mananalo sa survey, kaya kalokohan yang bloc voting nyo!
 

Sasabihin din ng ilan, wala naman talaga kayong kaisahan sa pagboto, gawa gawa nyo lang yan! Tignan mo, mapa national o local elections may mga sinusuportahan ang Iglesia na hindi naman nananalo! 2.3% lang naman kayo ng populasyon ng Pilipinas kaya hanggang panaginip na lang kayo!

Ano ba talaga?

Naniniwala ba talaga kayong may kaisahan sa pagboto ang INC o hindi?

Pag nanalo ang mga sinuportahan ng INC ang sasabihin nyo, dahil binase lang ito sa resulta ng mga survey sa TV at sa sarili naming survey, sasabihin nyo pa na kesyo nagpapagamit kami sa mga pulitiko, na kesyo uto uto kami kasi sumusunod kami sa leader namin at kayo hindi, na kesyo may bayad yung suporta namin sa mga kandidato at marami pang iba... Kapag naman natalo ang sinuportahan ng INC ang sasabihin nyo wala naman talaga kaming kaisahan sa pagboto, imbento lang yon para lumakas ang political influence ng INC pero sa huli talo din ang mga kandidato at hindi lahat eh sumusunod sa kaisahan kaya talagang mahina ang kaisahan sa Iglesia... 



BUILDING OF HOUSES OF WORSHIP

Sinasabi ng ilan, bakit kayo nagpapatayo ng milyon milyong pisong halaga ng mga kapilya nyo eh di ba nga malapit na ang araw ng paghuhukom, gugunawin din yan, sinasayang nyo lang ang pera ng mga myembro nyo, di bat mas mabuting ibigay nyo na lang yan sa mahihirap?

Sasabihin naman ng ilan kapag hindi na nila napapansing nagpapatayo ng kapilya ang INC, asan na ang pera ng mga miyembro nyo? nako, nilimas na ng mga manalo at mga ministro nyo, ayaw nyo pang umalis diyan hinuhuthutan lang naman kayo ng pera ng mga yan, pinapayaman nyo lang ang mga manalo eh! 

Ano ba talaga?

Gagastos ba ang INC para sa mga ito para sa kapurihan ng Diyos, o hindi?

Pag nagpapatayo ang INC ng mga kapilya at ibat ibang proyekto dapat ipamigay na lang sa mahihirap ang pera dahil kasama rin naman itong magugunaw pagdating ng paghuhukom... Pag naman mapapansin nyong hindi na nagtatayo ang INC ng mga ganito ang sasabihin nyo bunubulsa na ng mga ministro at ng mga "Manalo" ang mga pera namin...


MEMBERS' OBEDIENCE

Sinasabi ng ilan, bakit ba ninyo sinusunod ang pamamahala nyo? Wala ba kayong sariling utak? Bakit masyado kayong panatiko na kapag sinabihan kayo ng ganito eh susundin nyo agad? Halatang halata naman na binibrainwash lang kayo ng mga ministro nyo eh, eto naman kayo, uto-uto!

Sasabihin naman ng ilan kapag hindi na ganoon ang pagiging masunurin ng mga miyembro, oh, akala ko ba may pagkakaisa kayo? Bakit hindi nyo sundin ang namamahala sa inyo, di bat nakasulat yun sa bibliya? Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi kayo sa Diyos dahil hindi kayo marunong sumunod!

Ano ba talaga?

Susunod ba ang mga myembro sa mga kinikilala naming Diyos ang nagbigay ng tungkulin o hindi?

Pag sinunod namin sila ang sasabihin nyo na BRAINWASH kami, kapag naman hindi kami sumunod sasabihin nyong hindi kami naturuan ng aral dahil mismong myembro ayaw sumunod sa leader o sa mga ministro namin.


DOCTRINES AND PRACTICES

Sinasabi ng ilan kapag napansin nila na may pagkakatulad ang doktrina ng INC sa ibang relihiyon, ano ba yan, mga wala kayong originality! Kinopya nyo lang ang mga aral nyo sa ibang relihiyon eh, gaya gaya lang kayo nanghiram lang kayo ng aral sa iba nakakahiya naman ang sugo nyo!

Sasabihin naman ng ilan kapag napansin nila ang ilang doktrina sa INC na unique, walang katulad sa ibang relihiyon... Kaya walang kaperaha ang ilan sa doktrina nyo kasi pansarili at maling pag intindi yan ng mga ministro nyo! Inimbento lang yan ng pamamahala nyo eh, tulad ng bloc voting... Kulto talaga kayo dahil hindi kayo sumunod sa mga doktrinang Kristiyano!

Ano ba talaga?

Kailangan bang maging unique ang doktrina ng INC o kailangan may kapareha sa ibang relihiyon?

Kapag may kaparehang doktrina sa ibang relihiyon ang sasabihin nyo nangopya lang kami, pag kakaiba naman ang doktrina sasabihin nyo inimbento lang, wala na sa bibliya di pa makakristyano...


  

August 22, 2012

Bloc Voting ng INC: Bibliya ang basehan



Ano ba ang bloc voting sa INC? Ito bay gawa gawa, imbento kamakailan ng mga "Manalo" o ng Iglesia ni Cristo o may basehan ito para gawin ang bloc voting?

Pangingialam ba sa gobyerno pag nag bloc voting ang INC?

May kapalit ba ang pagtulong ng INC sa mga kandidato o humihingi ba ng kapalit ang INC sa mga kandidatong sinuportahan pag nanalo sa eleksyon?

Pag nagkaisa ba ang isang organisasyon sa isang bagay, halimbawa na ay bloc voting, masama na ba ito?

Talaga nga bang dinidiktahan ng INC ang mga myembro nito na para bang walang alam ang mga myembro tungkol sa kaisahang ito nung nabautismuhan sila sa INC?

Mga anino nga ba at mga uto uto ang mga INC members dahil lang nagpasakop o sumunod ito sa kaisahan sa Iglesia?

Bakit hanggang ngayon ay paulit ulit pa rin ang batikos at ganun na lang magreak ang mga di myembro sa bloc voting ng INC samantalang pang INC lang naman yun, di naman sila kasama?

Sino ba ang mukhang mas pakialamerot pakialamera, ang INC na ginagawa lamang ang kaisahan na may basehan naman sa bibliya o ang mga tumutuligsa sa INC samantalang di naman sila involved dito?

Totoo nga bang may "bloc voting" sa INC?

Wow, ang daming tanong, ang sagot naman ay napaka obvious, at paulit ulit na ring ipinapaliwanag. Bakit sa almost 100 years ng INC di pa rin makuntento ang mga di kaanib sa pagsagot naming mga INC tungkol sa bloc voting? At bakit ayaw nilang tanggapin ang sagot namin? Marahil kaya silay mga wala lang talagang magawa sa buhay at dahil silay closeminded?

Sa totoo lang sobrang nakakatamad na sagutin ang mga di kaanib tungkol dito, pati ang taga media paulit ulit din sa mga akusasyon, hindi na rin ako nagtataka kasi nga malaking isyu pag PULITIKA ang pinag uusapan, kaya kahit anong topic mapa maliit man ay napapalaki at nahahaluan ng ibang kulay.

To make the answer short sa mga tanong sa itaas, PAKIPANOOD NA LANG ANG VIDEO SA ITAAS. salamat po!^^

Pero mulit muli, kaklaruhin ko ang mga bagay bagay in the very honest way^^


#1 Hindi po pakikialam sa gobyerno ang Bloc Voting

Nagtataka ako kung paano naging PANGINGIALAM sa gobyerno ang bloc voting ng INC, pag sinabi kasing pangingialam, gumagawa ka ng mga bagay para maimpluwensyahan ang isang tao o grupo ng mga tao. Bakit ba minsan natatawag tayong pakialamero o pakialamera? Di ba sa halip kasi na gawin natin yung sarili nating "business", eh pinoproblema pa natin at pinakikialaman pa natin ang mga bagay ng iba.

Kung magkakaisa ang INC para sa kung sino ang magiging pinuno ng bayan o bansa, ano namang masama doon?

Sige nga, kung kayo magkakaisa kayo ng pamilya mo na panoorin ang isang pelikula ng sama sama, sa halip na kanya kanya ng gusto panoorin, ito bay pangingialam sa SINEHAN? Oo, makakaapekto ito sa kita ng isang pelikula pero ano namang pakialam nila dito? Ganun din sa INC, kung may basehan naman ang bloc voting ng INC bakit hindi? Oo, makakaapekto ito sa resulta ng eleksyon pero pangingialam ba itong maitatawag? San banda???


#2 Pagdidikta ba sa mga myembro ang ginagawa ng INC sa kung sino ang iboboto nya?

Para maintindihan natin ito, mag eexample uli ako, halimbawa, nandidikta ba o namumuwersa ang isang traffic enforcer sa isang driver kung sabihin man nitong huminto sya pag red ang traffic lights/stoplights? Siguro naman alam ng driver na may batas ukol dito, at kung susuwayin nya ito ano ang mangyayari sa kanya? Syempre matitiketan bilang punishment... Ganun din sa INC, lahat ng INC member may awareness na may KAISAHAN SA PAGBOTO at sa iba pang bagay simula palang nung dinodoktrinahan sila, at kung may hindi susunod dito na isa sa mga aral ng INC, ano satingin nyo ang mangyayari?

Kung may paglabag, syempre may parusa, as simple as that. Kaya hindi isang kalokohan sa INC kung matiwalag ang isang hindi sumunod sa mga aral nito.

Sunod, pamumuwersa ba o pagdidikta ang ginagawa ng INC sa mga myembro nito kung paaaalalahanan ang mga ito lalo na pag malapit ang eleksyon tungkol sa doktrina ng INC na may basehan sa bibliya tungkol sa KAISAHAN? Kung may aral ang INC tungkol dito ano bang dapat gawin? Sundin o baliwalain? Kung sabihin ng INC na sundin ang kaisahang ito, pamumuwersa ba ito? Ang INC ba ang magsusulat sa balota o ang mga myembro? Kung sumunod ang INC members sa pasya ng pamamahala, UTO UTO BA ANG TAWAG DON? Uto uto ka rin ba kung susundin mo ang magulang mo kung inuutusan kang galangin mo sila at mag aral kang mabuti? Pamumuwersa ba at pagdidikta kung sabihin ng magulang mo sayo na gumawa ka ng mabuti at respetuhin mo sila?


#3 Gawa gawa lang ba ngayon ngayon lang ng INC o ng mga "Manalo" ang kaisahan sa pagboto?


Hindi. Bakit? Dahil noon pang 1st Philippine election, panahon ng Commonwealth Era, nung pagkakapanalo ni Manuel Quezon bilang pangulo ng Pilipinas, panahon pa ni Ka Felix ay ginagawa na ito sa Iglesia, paano ito magiging isang imbento lang? Porke ba ang madalas ireport ng media ay ang pagsuporta ng INC kay Ferdinand Marcos up to Present ibig sabihin kailan lang ito naganap, o kailan lang nagyari itong bloc voting na ito?


#4 Bakit kaya paulit ulit na lang ang batikos ng mga di kaanib kabilang na ang mga taga media sa doktrinang ito ng INC?

Hindi ko ito masasagot, dahil nagtataka rin ako kung bakit ganoon samantalang lagi naman silang nasasagot tungkol dyan. Pero ang duda ko ay dahil sa word na PULITIKA. Pag ang showbiz nahaluan ng pulitika, malaking balita. Pag ang religion nahaluan ng pulitika, malaking balita din. Kaya siguro ito ganoon kasikat na pag nababalita ang INC sa telebisyon ay walang ibang masasabi o maidedescribe kundi "Kilala ang INC sa bloc voting tuwing eleksyon".


#5 May kapalit nga bang talaga ang suporta ng INC sa mga kandidato tuwing eleksyon?

Ano ba ang kapalit o EXCHANGE?

Pag sinabing kapalit para kang nakikipag SWAP, para ding BARTER kung alam nyo ito, ito yung ginagawa natin nung lumang panahon na wala pang pera, nakikipagpalit ng bagay sa iba halimbawa maraming kang gulay wala ka namang bigas, hahanap ka ng sinuman na nangangailangan ng gulay dahil marami naman syang bigas. Ganun yun. Eh ang pagsuporta ba ng INC sa mga kandidato may KAPALIT? May EXCHANGE IN RETURN kumbaga? Pinaka honest na sagot? WALA! Opo, wala talaga as in walang wala dahil itoy ipinagbabawal sa INC.

Kahit nga tumanggap man ng kahit ano ang isang ministro sa isang kumakandidato sa eleksyon kahit na di naman sa kanya manggagaling ang pasya sa kung sino ang iboboto ay nasususpinde o nawawalan ng karapatan o worst, natitiwalag. Bawal din sa mga kaanib ng INC na sumama sa pagpopromote ng isang kandidato...

Ang madalas naman na sabihin ng mga di kaanib at ng media na kapalit DAW ng boto ay tungkol sa appointments ng pangulo sa gobyerno. Sabi ko nga sa inyo sasagot ako in the very honest way, at ang masasabi ko hindi ito KAPALIT sa pagsuporta kasi kung ganoon man eh di sana simula pa noong panahon ni Quezon eh lahat ng matataas ang katungkulan LAHAT INC, tutal may KAPALIT pala, as in automatic exchange o kaya may agreement na kapalit. Kaso hindi, tignan nyo nga si Pres. Noynoy, diba nabalita pa nga na hindi daw pinansin ang suggestions ng INC tungkol sa mga appointments, oh pano magiging KAPALIT YUN?

Hindi kasi KAPALIT ang tawag dun, ang mas akmang term doon ay UTANG NA LOOB, opo, totoo din yung sinasabi nila na dahil sa word na ito kaya pumapayag ang mga sinuportahan ng INC na tanggapin ang ibang suggestion list ng INC sa appointments. Tungkol naman sa local government na sinasabi din daw nila na pag sinuportahan sila ng INC ay gagawa din daw ng mga bagay o tutulungan ang INC, o kung ano pa man...

Totoo din po ito, dahil sa tinatawag na UTANG NA LOOB, ang utang na loob po, ang magdedesisyon ay yung nagawan mo ng pabor o kabutihan at hindi IKAW na tumulong o gumawa ng kabutihan. Wala naman sigurong masama kung magtutulungan ang simbahan at pamahalaan diba? Ito kasing UTANG NA LOOB na ito ay hindi dapat tanggapin in a negative way, dapat in a POSITIVE WAY.

Halimbawa may tinulungan kang tao, tapos nagpasalamat sayo yung tao, yung pagtulong na yun MAY KAPALIT BA? diba wala? Eh paano kung ikaw naman ang may problema at maaaring makatulong yung taong tinulungan mo, hindi ba masama kung tanggapin mo ang tulong nya?

Masama ba ang UTANG NA LOOB? Ang utang na loob ba sapilitan? syempre hindi, nasa sayo naman yon kung susuklian mo ng kabutihan yung nakagawa ng kabutihan sayo. Tutulungan mo ba ang taong tinulungan ka kung yung tulong na gusto sayo ay labag sa kalooban mo?

Same thing with the INC and the supported political candidates.

Ngayon naman, panoorin natin si Lourd de Veyra na sinupalpal ng mga kasama nyang tv hosts dahil masyado naman nyang pinipilit na PANINGINGIALAM daw sa gobyerno ang ginagawa ng INC. May napanood nga din ako dito sa youtube na sya lang mag isa, habang sinasabi nya ang mga mali mali nyang opinyon sa bloc voting ng INC, kaso ngayon hindi ko na mahanap, eto po:





Talakayin natin ang mga punto ni Mr. Lourd sa mga mali mali nyang opinyon sa bloc voting ng INC...


#1 May impluwensya nga ba ang INC sa appointments ng pangulo sa gobyerno?

Honest answer, Yes. Impluwensya in a sense na may partisipasyon ang INC dito hindi in a sense na binubulungan o inuutusan ng INC ang presidente ng Pilipinas na sinuportahan nito na lahat ng nasa suggestion list na binigay ng INC ay iaapoint ng Pangulo. Dapat kasi natin malaman kung paano ba nangyayari ito. Ganito kasi yon, sakaling hindi nyo alam, may mga INC members na nagtatrabaho sa gobyerno na gustong tumanggap ng mataas na posisyon sa gobyerno, kaya ang gagawin nila eh magrerequest sila sa pamamahala.

Tapos, sisiyasating mabuti ng pamamahala kung ito bang mga nagrequest na ito ay kwalipikado, maingat silang pinipili, alam nyo naman sa usapin sa gobyerno, at syempre dala nila ang pangalan ng Iglesia, sakaling nasangkot man sila sa ganito o ganyan kahihiyan din naman ng INC yun kaya piling pili yung mga taong yun. Tapos saka ito ipapadala sa pangulo bilang SUGGESTION hindi bilang death threath o black mail o kung ano pang gusto nyong itawag, nasa sa kanila yon kung pipili sila sa suggestion list ng pamamahala. Itong mga sinabi kong ito ay sa pagkakaalam ko lamang.

Parang si Estrada, may mga inappoint sya na galing sa suggestion list ng pamamahal, eto namang si Noynoy na ayon sa balita ay inignore daw ito, muli, nakadipende ito sa kanila.

Inshort, para itong recommendation, halimbawa sa trabaho, binibigyan ng recommendation letter ng INC ang mga INC members na gusto magkatrabaho kaya nagtungo sa Job placement ng INC sa Central, nasa mga kompanya na yon kung tatanggapin nila sila. Hindi naman porke nagrecommend ang INC ibig sabihin sapilitan nila na dapat tanggapin ang INC member na yun.

Same thing sa mga ordinaryong applicants na naghahanap ng trabaho ang mga appointments ng pangulo, di ba trabaho din yun? Anong masama dun?


#2 Paano nga naman kung naging mas marami na ang INC members sa Pilipinas, kung naging majority ito, eh di kung ano pa lang pinasya ng pamamahala automatic yun na ang mananalo sa eleksyon?

Oo may point, pumasok din yan sa isip ko ang kaso napakaimposible nitong mangyari, kahit pa siguro sa taong 2050 kahit gaano karami ang napapaconvert ng INC, isipin din po natin na yung 85-90% ng Katoliko sa Pilipinas ay dumodoble din dahil sa infant baptism. Pero sige, pagbigyan natin paano kung naging majority na ang INC sa Pilipinas?

Eh di ganun pa rin, may bloc voting pa rin, bakit? Kasi nga hindi naman ito imbensyon o dagdag na aral, utos ito sa bibliya kaya as is parin...


#3 Wala nga bang separation of church and state?

Anong konek? Napatunayan ko na na hindi naman nangingialam ang INC sa Pulitika, dahil ang totoong nangingialam sa pulitika ay hindi yung pagbobloc voting kundi yung ginagawa ng mga catholic authorities na niloloby o nilalapitan isa isa yung mga pulitiko para ibahin yung desisyon nila tungkol sa mga bagay bagay sa gobyerno, parang sa RH bill, yun ang nangingialam, tapos magbabanta pa na ieexcommunicate o kaya hindi iboboto sa susunod na eleksyon.

Kaya nga separation of church and state, kaya ka nasa gobyerno para iprioritize mo ang desisyon PARA SA BAYAN at hindi para sa relihiyong kinabibilangan mo, kung gusto mo naman na para sa relihiyong kinabibilangan mo ikaw tumulong at magdesisyon eh di tumanggap ka ng tungkulin sa simbahan at hindi sa gobyerno, as simple as that.

_____________________________


Ngayon naman, balik tayo sa topic ng pinaka unang video sa taas...


Totoo nga bang Religious vote IS A MYTH... except in Iglesia ni Cristo?


Opo. Napatunayan na ito, dun sa New Era Elementary school kitang kita ang resulta na ang majority ay INC voters. Sa INC kasi may basehan, may doktrina, sa ibang religion WALA.


Paano naman sa ibang religious group tulad ng Kingdom of Jesus Christ?


MYTH po itong tinatawag at mga walang basehan ang pag eendorso. Ang basehan nila yung CHARISMA nila sa mga myembro at popularidad tulad ng Catholic Movement na El Shaddai ni Mr. Mike Velarde.

Itong mga sumunod na relihiyon na ito, yon ang mga NAGDAGDAG at NAGIMBENTO ng aral, ngayon nga pati ang Catholic Church nakikigaya na rin, bukod sa El Shaddai. Hindi man totally boboto ng specific candidates pero gagawa daw ng listahan o guide na wag daw iboto ang mga pro RH bill, eh anong tawag dun? Diba another form ng bloc voting din yun?^^


Guilty ba ang Iglesia ni Cristo sa sinasabing may iba daw religious group na NILALAKIHAN ang bilang para lapitan ng mga pulitiko ang INC?

Hindi. Dahil kahit naman kailan ay hindi naglabas ng eksakto, muli, EKSAKTONG bilang ng kaanib ang INC. Yung sinasabing nagkeklaim daw ng INC na nakasulat daw sa Pasugo, kasinungalingan lang po ang mga yan. Minority religion ang INC sa Pilipinas at sabi pa nga 2.3% lang daw ng populasyon ay INC, noong 2000 daw ay may 1.7 lamang na INC, bakit naman lalapitan ang INC ng mga pulitiko kung 2 million lang?

Dahil nga ba sa bilang kaya nila nililigawan ang INC o dahil bilib sila at naniniwala na may bloc voting nga talaga sa Iglesia ni Cristo?^^

Kung totoong gusto ng INC na lapitan ng mga pulitiko eh di sana eh matagal na nitong sinapubliko, yearly pa, tutal dokumentado ang lahat sa INC, sana dati pa ginawa yun ng INC.

Wala rin naman masama kung lapitan man ang INC ng mga pulitiko, kaya sila lumalapit ay dahil nanghihingi sila ng tulong sa INC. Kung ako katoliko na pulitiko ganun din naman ang gagawin ko, lalo na kung gusto ko talaga manalo, syempre kumbaga gawin mo ang lahat ng paraan para manalo, isa isahin mo ang mga barangay, kamayan mo ang bawat tao na nakikita mo at ipromote mo sarili mo, bakit hindi?

Yung iba nga gumagawa pa ng karahasan at mga katiwalian maiboto lang sila, andyan yung babayaran nila yung mga tao para iboto sila, andyan yun manduduga sila sa resulta ng eleksyon at worst yung Maguindanao massacre, papatay para sa posisyon sa gobyerno???

Andalas dalas sabihan ng mga katoliko ng kung anu ano ang INC tungkol sa pagboto pero di nila pinapansin na ito mismong mga lumalapit sa INC at gumagawa ng mga katiwalian eh mismong mga KATOLIKO. Sabi nga nila, tignan mo muna sa salamin ang sarili mo bago ka manghusga ng kapwa mo.

Muli, ang BASEHAN ng Iglesia ni Cristo ng kaisahan sa pagboto ay ang BIBLIYA. Kaya may bloc voting sa Iglesia ay dahil may ARAL sa amin. Sa ibang relihiyon na nag eendorso ay WALA SILANG BASEHAN, wala silang aral tungkol sa pagkakaisa kaya hindi rin naman nila magagawa ang sinasabi nilang "bloc voting".

Para sa mga talata ng bibliya tungkol sa pagkakaisa, nandito po.