"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 17, 2014

Mga programa ni Eli Soriano, hindi family-friendly kaya huwag nang panoorin

Alam ba ninyo na ang mga programa ni Mr. Eliseo Soriano sa UNTV 37 ay hindi family-friendly? 

Paano ko nasabi? 

Simple lang.

Wala pang natatanggap na Anak Tv Seal award ang kaniyang mga programang pinagbibidahan na "Ang Dating Daan" at "Itanong mo kay Soriano".

Aaminin ko, dahil yun naman ang totoo, na isa ang UNTV sa mga istasyon na may pinakamaraming Anak Tv Seal Awards, nangunguna nga ang Net25, pero hindi ba kayo nagtataka na ang mga programa ni Soriano ay wala nito???

Mga "religious programs" pa naman ito ngunit hindi FAMILY at CHILD FRIENDLY?

Buti pa yung mga religious programs ng Iglesia ni Cristo na Ang Tamang Daan, Ang Iglesia ni Cristo, The message, at yung Ang pagbubunyag-- na kahit tinatalakay ang paniniwala ng ibang relihiyon ay nagkamit pa rin ng parangal na ito.

Isa lang ang ibig sabihin niyan...

HINDI dapat pinapanood ng mga bata at ng pami-pamilya ang kaniyang mga programa.

Alam ba ninyong ang "Ang Dating Daan" ay ilang beses nang sinuspinde ng MTRCB dahil sa kabastusan ng bibig ng nagpapakilalang sugo ng Diyos?

Ayon sa wikipedia,

Noong Aug. 2004 sinuspend ng MTRCB ang programa ng 20 days.
Noong Sep. 2004 naman ginawan ng extension ng hanggang 3 buwan para hindi mai-ere ang programa nito.

Ito ay dahil sa pagsasabi ni Soriano na isang RELIGIOUS LIDER ng ganito:


Lehitimong anak ng demonyo! Sinungaling! 
[Legitimate son of demon! Liar!]

Gago ka talaga, Michael! Masahol ka pa sa putang babae, o di ba? Yung putang babae, ang gumagana lang doon yung ibaba. Dito kay Michael, ang gumagana ang itaas, o di ba? O, masahol pa sa putang babae ‘yan. Sobra ang kasinungalingan ng mga demonyong ito.

[You’re really stupid, Michael! O, worse than a whore, oh right? On that whore, what only works is under her (body). In Michael('s case), it's the top (part) that works, oh right? That's worse than a whore. These demons' lies are too much (to bear).

Ang latest nga, nanalo ang Iglesia ni Cristo sa LIBELO na isinampa kay Eli Soriano, kung kayat siyay pinagbabayad ng korte ng P100,000 para dito.


Ito ang sinabi ni Soriano kung kayat siyay sinampahan ng kasong LIBELO:

"Iglesiang pumapatay ng kapwa tao, manloloko, terrorist, magnanakaw, at mamamatay tao.”

Huwag na rin tayong magtataka kung bakit pati ang kaniyang mga miyembro ay NAGMUMURA, dahil para sa kanila ay hindi naman daw "MURA" ang mga salita na para sa karamihan ay MURA talaga. Gumagamit pa ng bibliya para suportahan ang kanilang mga pagmumura. Nakakaawa ang ganitong mga nabiktima ng mangangaral na ito.

Napakahilig nilang magsabi na sundin daw ang bibliya, eto nga mismong PUNO nila lumalabag sa bibliya:
"Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis. Sa pamamagitan ng gayunding bibig ay lumalabas ang pagpuri at pagsumpa. Mga kapatid ko, hindi dapat maging ganito ang mga bagay na ito." Santiago 3:9-10

Ginagamit ni Soriano ang kaniyang BIBIG sa PANGANGARAL, at ang parehong BIBIG ang ginagamit nya sa PAGMUMURA at PAGSASALITA NG MGA MASASAMA. Hindi dapat tinutularan ang ganitong klaseng tao.


No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.